Chapter XXIX

7.3K 208 33
                                    


ATHENA ALEXIA BUTLER




"Alexia"

Napabaling ang tingin ko sa kanya. "Hmm?"

"I miss you."

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Syempre, nakakakilig naman kahit papaano. Akalain mong sasabihin pa niya sa'kin ang bagay na yun. "Ano bang dapat kong sabihin?"

She just chuckled. "I miss you too Cupid. Ako na magsasabi."

Napatawa naman ako ng malakas. Simula noon hanggang ngayon, ang kulit-kulit niya parin. "Kumain kana ba?" pag-iiba ko sa usapan.

She nodded, smiling from ear to ear. "Yup. Hindi ko nga lang masasabi kung nabusog ba ko."

Napakunot noo naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi nabusog? Ang dami ngang hinanda ng mga bruha kong kaibigan ee. "Bakit naman? Si Nep nga, ang daming nakain ee."

"Patay gutom naman kasi ang pinsan mong iyon." pareho kaming napatawa dahil may part na totoo naman. "At saka, ang hirap lunukin ng pagkain kung sa bawat kilos ko, parang ikamamatay ko."

My brows furrowed. I didn't get her. "What are you talking about Cupid? Hindi kita maintindihan sa totoo lang."

She shrugged. "Kung nakakamatay lang tingin, malamang patay na ko." natatawan sagot niya sa'kin.

Hindi naman nakaligtas sa'kin ang pasimple niyang pagsulyap sa anak ko na kasama ni Lachesis. Doon ko lang narealize lahat ng sinabi niya. Mukhang alam ko na ang tinutukoy niya.

"She's really look like your daughter." she said. "Nagulat pa nga ako kanina ng makita siya. Kahit na pinakita mo na sa'kin noon ang picture niya, iba parin pala talaga kapag sa personal na."

I immediately looked her. She inhaled deeply. "Mahal na mahal niya ang anak mo, Alexia."

My lips curved into a genuine smile. "Yes, she is."

"At mahal na mahal ka din niya." She added, looking at me.

I looked away and bit the inside of my cheeks. Kinilig ako sa part na yun. Alam ko namang mahal ako ni Lachesis, ramdam ko. Pero sa tuwing may nagsasabi sa'kin nun, grabe lang ang kilig ko. Shit. "Napaka swerte mo sa kanya Alexia."

I can't help to smile. "You're right Cupid."

She smile too, and turned her gaze to Lachesis who was playing guitar with our daughter. "Lagi siyang nandiyan sa tabi mo Alexia. Hindi mo lang alam, pero sa bawat lakad mo, kasama mo siya."

Mabilis na naglaho ang malaking pagkakangiti ko at napalitan ng pagtataka dahil sa sinabi niya. "What do you mean Cupid?"

She took a deep breath. "Alam mo bang, hindi lang kaming dalawa ni Nep ang kasama mo noong nanganak ka?"

Sobrang-sobra akong nagtataka ngayon. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin. Hindi pa niya natatapos ang sinasabi niya, pero may namumuo ng konklusiyon sa isipan ko na ayaw kong paniwalaan. "Siya din yung kapitbahay mo na laging nag-iiwan ng bulaklak sa labas ng pintuan ng bahay mo Alexia."

Nanlalaki ang matang napahawak ako sa labi ko. "Akala ko, s-sayo galing yun?" nauutal kong tanong

She chuckled and shook her head. "No. Sa kanya talaga galing yun."

Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ko. Hindi ko alam. Wala akong alam. At ang nakakainis pa, hindi ko man lang naramdaman na kasama ko na pala siya sa loob ng mahabang panahon.

Bella Amor Historia: Athena Alexia ButlerWhere stories live. Discover now