ATHENA ALEXIA BUTLER"Kumain kana?"
Tumango ako sa kanya bilang sagot. "Yeah. Done na." such a liar Athena. Alangan naman kasing sabihin ko na hindi pa diba? Nakakahiya naman. sino ba siya? Si cheap lang naman siya.
She nodded slowly. "Alam mo bang panay ang kulit sa'kin ng mga kaibigan mo na sunduin ka daw."
Inirapan ko siya. Edi sana hindi niya ginawa diba. Easy. Tapos aangal-angal siya sa'kin. Bakit parang kasalanan ko pa? "So? Edi sana hindi mo ko sinundo. Napaka easy."
"Kung ikaw nga na kaibigan nila hindi ka maka-angal, ako pa kayang nadamay lang sa trip niyo."
I sighed. Relax Athena. Pagod ka. Wag mo na pagurin pa ang sarili mo. "Hindi ko kasalanan kung makukulit sila. At saka, choice mo na yun kung susundin mo ang gusto nila." mahinahong sagot ko. Wala na talaga akong powers para makipagsigawan sa kanya. Bukas na lang ulit.
I heard her sigh. "Gusto ko kumain. Samahan mo ko."
Nagtatakang napatingin ako sa kanya. "Kumain na nga ako."
"Ang sabi ko, samahan mo ko. Hindi ko naman sinabing kumain ka din. Assuming sizt."
Damn it. Ang sarap niyang iuntog sa manibela. Kung hindi lang talaga siya nagmamaneho ngayon. Ay nako!
"Kung gusto mo kumain, kumain ka mag-isa mo. Idadamay mo pa ko."
"Napaka arte mong babae ka. Basta sasama ka sa'kin tapos."
I let out a heavy sigh. "It is called date?"
She looked at, brows furrowed. Napaiwas ako ng tingin at binalik ang tingin sa labas ng bintana. Nahiya naman ako bigla.
"Athena, being in a relationship is not about dates or showing off." I looked at her. And now, she's smiling from ear to ear. "It's about being with the person who makes you happy."
I gulped. "Ahm." tumikhim ako. Hindi ko mahanap ang salita na dapat kong sabihin. And I hate it!
"Spill it."
I inhaled deeply. "Gusto ko lang kasi malaman kung, pano mo ba narealize na wala na? Na tapos na? Na hindi mo na maibabalik ang nakaraan."
Napakagat pa ko sa kuko dahil sa kaba. Hindi ko alam pero ngayon lang kinabahan ng ganito. Para akong nagsisinungaling kay mommy para lang payagan magbar.
"Never go back to an old love." she said.
"W-why?" Damn it! At talagang nautal pa ko! Bwisit!
"Always remember Athena, no matter how strong the love is. It's like reading a book over and over again when you already know how it ends."
Ilang minuto akong nakatitig sa kanya bago ngumiti. Ano bang mayron sa cheap na 'to? Para siyang si Brooklyn na ang daming alam. Siguro, valedictorian ang gagang 'to?
"Saan kaba nag-aral?" I asked out of the blue
"Sa probinsya ako nag-aral. Kami ni Gwenn."
I nodded slowly. "Valedictorian kaba?" Why? Gusto ko lang itanong. Wala naman sigurong masama.
She chuckled. "Actually, noong señior high school ako. Pero noong college ako, hindi na. Pero nakapagtapos naman akong cummlaude. Ayos na din 'yun."
Namangha ako pero di ko pinahalata. Ayaw ko namang isipin niyang nagagalingan ako sa kanya. Nah! Never!
"Ano bang course mo?"
YOU ARE READING
Bella Amor Historia: Athena Alexia Butler
RomanceHistoria#5 Athena Alexia Butler Lachesis Faith Griffin Date Started: July 21, 2020 Date Finished: August 9, 2020