ATHENA ALEXIA BUTLERMalakas at malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa balat ko. Napapikit pa ko para damhin ito. At kahit ang mga puno sumasabay sa hampas ng hangin. I smile. Very relaxing.
"It's been four years simula ng huling pagkikita namin ni Lachesis and it broke my heart into pieces. Pero sa kabila ng kalungkutan ko noon, ni minsan hindi sumagi sa isip ko na sumuko. Instead bumangon ako mula sa pagkakadapa ko at pinagpatuloy ang buhay. Itunuon ko ang buong atensiyon ko sa sarili at sayo. May mga bagay kasi naman talaga na hindi mapipilit na maging satin. Na kahit kailanman, hindi magiging atin, hindi nakatadhana sa'tin. Ang huling balita ko sa kanya, pinagpatuloy niya ang buhay hanggang sa makamit niya ang pangarap niya. Hanggang sa nakilala niya ang taong makakapagpabago ng buhay niya. Ang taong makakasama niya hanggang sa pagtanda. She's already married to someone else. Someone na kaya siyang ipaglaban no matter how hard the situation is. And I'm happy for her. Dahil sa wakas, nakita na niya ang taong yun. At ako, I choose to marry someone. Someone na naging kasangga ko sa hamon ng buhay. I'm already married to Cupid. Akalain mong siya pala ang makakatuluyan ko. Ang makulit at madaldal na pasyente ko noon, asawa ko na ngayon. Mas pinili kong maging masaya sa piling niya, kaysa habang buhay akong magdusa dahil sa lungkot. And I love her, I really love her."
"Ganyan talaga ang buhay, masyadong mapanakit. Katulad nga ng sabi nila, may mga pinagtagpo pero hindi itinadhana."
Napahinga ako ng malalim bago napatingin sa kanya, sa kanilang dalawa. Gusto kong matawa, pinigilan ko lang.
Time flies so fast. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko, hindi ko akalain na aabot ako sa ganito.
Masaya naman ako. Sobrang saya kung tutuusin, dahil kasama ko siya. Ang taong naging lakas at inspirasyon ko para ipagpatuloy ang buhay.
Nakangiting inabot ko ang pisngi niya and caressing it. Mahal na mahal ko ang babaeng ito.
Kahit na naranasan ko ang pinaka masakit na nangyari sa buhay ko, sobrang pinagpapasalamat ko parin na nandito ako. Kasama siya, kaharap siya, nahahagkan at nakakayap siya. Ito ang kasiyahang pinapangarap ko noon pa lang.
Kaya lang.. Hindi ako satisfied sa kwento niya. Kaya inis na kinurot ko ang singit ng bwisit na gumawa ng kwentong yun. "Ouch! Mamsh! Bakit ba nangungurot ka?"
I rolled my eyes at him. "Ikaw Nep! Kung anu-ano na namang pinagkukwento mo dito sa anak ko. Kaya pag kaming dalawa na lang ang magkasama kung anu-ano din ang tinatanong sa'kin." frustated akong napahilot sa sintido ko. "At talagang ginamit mo na naman si Kupido! Jusko ka talaga."
Pero ang gaga, inirapan lang ako. Ang sarap niyang sabunutan ngayon. Kung hindi lang namin kasama ang anak ko, nakatikim talaga siya sa'kin. "Ang bitter mo mamsh ha. Sinasaktan ko lang naman cheret mong puso." she smirked at me. "At saka, ang sarap mong asarin kay bebe Cupid. Nadiligan kana niya 'no?"
Inambahan ko siya ng suntok. Ang harot ng baklang to. Grabe. "Gaga! Hindi kami ni Cupid! Anong dilig-dilig ka dyan. Baka ikaw ang gustong dumilig dun!"
"Hoy! Hindi ka-.."
"Mommy bad. You're cursing again."
Napakagat labi ako ng biglang sumabat siya sa usapan namin. Ngayon lang ako nahiya ng ganito at sa sariling anak ko pa talaga. "Ayan. Lagot ka. Pinapagalitan ka ng baby mo."
I just rolled my eyes at him. "Shut up Neptune." napatingin naman ako kay Nemesis na nakatingin sa'min ng ninong niya. "Hey baby. I'm sorry. Hindi na mauulit."
She staring at me intently. Bahagya pa kong napalunok dahil sa way ng pagtitig na ginagawa niya. "You already said that mom."
I bit my lower lip. Ang hirap talaga makalusot sa batang ito. Jusko. "Ayan mamsh. Lagot ka. Mala detective na yang baby mo." he whispered at me.
YOU ARE READING
Bella Amor Historia: Athena Alexia Butler
RomanceHistoria#5 Athena Alexia Butler Lachesis Faith Griffin Date Started: July 21, 2020 Date Finished: August 9, 2020