EPILOGUE

9.6K 246 40
                                    


LACHESIS FAITH GRIFFIN




"Magpapakita kaba sa kanya?"

Nakangiting umiling naman ako. "No"

Her brows furrowed. "Ha? Ee susundan mo siya? Tapos hindi ka magpapakita?"

"Hindi ako magpapakita." nakangiting tugon ko

Napatawa pa ko ng mahina ng marahas niyang kinamot ang ulo niya. Ang cute din talaga ng babaeng ito. "Alam mo ate, hindi talaga kita maintindihan."

"Basta magtiwala ka lang sa'kin Astraea."

She rolled her eyes at me. "Fine. Mag-iingat ka dun."

I smiled and give a peck in her forehead. I will miss her for sure. "Yes captain. Pano? Alis na?"

Hindi pa ko tuluyang nakakaalis ng bigla na lang siyang umiyak sa harap ko. Hindi naman ako manhid para hindi makaramdaman ng sakit. Alam kong mahirap din para sa kanila ang malayo sa'kin, pero kasi kailangan kong umalis. Lalo na't ang pupuntahan ko ay ang babaeng bubuo at kukumpleto sa buhay ko. Agad ko naman siyang dinaluhan ng mainit na yakap. Mamimiss ko ang babaeng ito. "Don't worry sis, tatawagan ka lagi ni ate." pagpapakalma ko sa kanya.

She just nodded at me while wiping her tears. Napatawa tuloy ako. Para siyang batang inagawan ng candy. "Sige na. Umalis kana. Pasalubong ko pag-uwi mo!"

Kagaya ng nasa plano, si Neptune ang sumalubong sa'kin sa Airport. Mabuti na lang talaga at pumayag siya sa plano ko. Pahirapan pa nga dahil ayaw niya makialam sa problema naming dalawa.

"Salamat Nep." I sincerely said.

He chuckled. "It's fine cutie. Pasalamat ka at boto ako sayo kahit papaano."

I just smile at him. "Thank you ulit."

"Wala yun. Oh pano? Kayo mo na dito?"

I nodded. "Yup. Mag-ingat ka."

"I will. Bye cutie. Bilisan mo ah. Wag pakupad-pakupad."

Napatawa na lang ako dahil sa sinabi niya. Kung hindi lang talaga sinabi sa'kin ni Dike na balika ang lalaking yun, hindi ko mahahalata.

Hindi naman kasi halatang nagi-slide din siya sa rainbow. Para siyang lalaking-lalaki kung tutuusin. Ireto ko kaya siya kay Joseph, para naman hindi na laging masungit ang isang yun.

Mahigit isang buwan na kong nandito sa Italy. Binabantayan at sinusundan siya. At ewan ko ba kung alam niyang nakasunod ako palagi sa kanya kung saan siya magpunta pero sa tingin ko naman, hindi niya alam. Namanhid na ata ang baby. Tss.

"Nep" bungad ko sa kanya pagkadating niya dito sa kitaan namin. "May nakasunod ba sayo?" 

He took a deep breath. "Relax cutie. Safe ang secret mo. Bakit mo ba ko pinapunta dito?"

I gulped hard. "How is she? Bakit pabalik-balik kayo sa Hospital?"

Sobrang kaba na ang nararamdaman ko ngayon. Kung anu-ano naring pumapasok sa isip ko. Hindi kaya may sakit siya? Kaya siya umalis dahil sa sakit niya? Mawawala na ba siyang tuluyan sa'kin? Damn it! Hindi ako papayag. "Hey. Relax. Para kang timang dyan." pangbabasag niya sa iniisip ko. "Wala siyang sakit para naman kumalma na ang puday mo dyan."

Literal na nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Jusko. Mas malala pa siya sa pinsan niya. Kung pasmado ang bibig ni Athena, mas lalo siya.

Pero, wala akong puday. Tss.

Bella Amor Historia: Athena Alexia ButlerWhere stories live. Discover now