ATHENA ALEXIA BUTLER"You're so beautiful."
I just smiled at him. Gosh. Kanina pa siya. Ang kulit-kulit at ang ingay-ingay niya. Kung hindi lang dahil kay Thalia, hindi ko pagtitiisan ang mahangin na pasyente na ito.
"Mr. Velasquez, you just need a rest. Okay na naman ang vital signs mo. Wala ng dapat ikabahala."
He just nodded at me. "Do you have boyfriend?"
Lihim akong napahinga ng malalim. Calm Athena. Kumalma ka. Pasyente yan.
But damn it! Ayaw ko sa lahat ang taong katulad niya. Nasa kalagitnaan siya ng kapahamakan, pero kalandian parin ang nangingibabaw sa kanya. Bwisit lang.
"Dra. Do you have a boyfriend?" pag-uulit niya.
I sighed and looked in his eyes. "I don't have Mr."
His smile widened dahilan para mapairap ako. Oh sorry man, hindi pa ako tapos. "Great! Wanna go o-.."
"But I have a lovely girlfriend Mr. Velasquez." I said, smiling from ear to ear.
Parang bulang nawala ang malaking pagkakangiti niya at napalitan ng gulat. Inirapan ko naman siya.
Oo, tama kayo ng nabasa. Inirapan ko nga siya. Gigil ako ee. Bat ba!
I smile sweetly at him. "Excuse me."
Mabilis ang kilos na ginawa ko lumabas agad ng kwartong iyon. Napabuga pa ko ng malalim na hininga ng tuluyan akong malabas.
Gosh. Nakakasakit ng ulo ang pasyenteng 'yun. Panigurado, pati si Thalia ginugulo nun. Hindi na ko magtataka kung lalabas siyang may bangas o pasa sa mukha sa sobrang kalandian niya.
Dahil panigurado, kung makakatiis ang kaibigan ko talagang sasapakin niya ang lalaking yun. Si Thalia pa. Isa din yung maton ee. HAHAHA
"Are you okay? You look troubled."
Napaayos ako ng tayo ng makita siyang nasa harap ko. Ano na naman bang ginagawa ng isang 'to dito? "What are you doing here?"
Iniharap naman niya sa'kin ang isang paper bag. Napairap naman ako. Mukhang alam ko na. "Pinapabigay ni mom?" walang ganang tanong ko.
She shook her head. "Pinapabigay ko."
My brows furrowed. Seryoso? Sa kanya galing yun? Wow. Anong hangin ang bumulong sa kanya at ang bait naman ata niya sa'kin. "Let's eat." pag-aaya niya
Napapailing na sumunod ako sa kanya. Ibang klase talaga siya. Siya pa unang pumasok sa opisina ko na akala mo'y pagmamay-ari niya. Wow lang.
Tahimik naming sinimulan ang pagkain. Ngayon lang ata ako kumain sa tamang oras.
Oh edi salamat sa kanya. Mabubusog ako sa tamang oras at tamang pagkain. Kadalasan kasi, kapag nalipasan na ko ng gutom kape at tinapay na lang ang kinakain ko. Wala na ko gana ee.
"By the way, susunduin kita mamaya."
My eyebrows met. "Susunduin? Why?" Ano bang meron mamaya? Sa pagkakaalam ko, deretso uwi lang ako mamaya tapos tulog na.
Hindi makapaniwalang nakatingin siya sa'kin ngayon kaya ang siste, tinaasan ko siya ng kilay. Ee sa hindi ko alam kung anong meron mamaya ee.
"Birthday ng anak ni Ianthe, hindi ba? Nakalimutan mo ata." she simply said.
My jaw dropped. What the heck?! Oo nga! Fudge! Nakalimutan ko! Kaya pala nagmamadaling nagpaalam sa'kin si Thalia dahil bibili siya ng regalo para kay Iris!
YOU ARE READING
Bella Amor Historia: Athena Alexia Butler
RomantiekHistoria#5 Athena Alexia Butler Lachesis Faith Griffin Date Started: July 21, 2020 Date Finished: August 9, 2020