Chapter XIV

5.6K 197 29
                                    


ATHENA ALEXIA BUTLER

"Wow! Grabe! Ang galing mo talaga kumanta!"

She chuckled. "Hindi naman. Pero salamat."

"Sa sobrang galing mo, hindi na magawang magsalita ni Athena."

Maang na napatingin ako sa kanya. Ang lakas ng loob niyang ilaglag ako. Sabunutan ko siya ee. "Shut up Thalia!"

At ang bruha, tinawanan lang ako. Binigay ko ang pinaka best kong irap sa kanya. Bwisit siya.

"Hey."

I looked at her. "Hmm?"

"Do you like it?"

Napakagat labi ako para pigilan ang sariling mapangiti. Ewan ko ah, pero para kasing ang lambing ng boses niya.

Pigil ang ngiting tumango ako. "Yes.  Brooklyn's right, ang galing mo kumanta."

She smile sweetly. Gosh. Pakiramdam ko natunaw ang puso ko dahil sa ngiting yun. "Ikaw? Gusto mo ba kumanta?"

My eyes widened. Mabilis akong umiling sa kanya. "Ayaw ko nga. Gusto mo bang gumuho ang bar na to ngayon mismo?"

Kung meron man akong pinaka ayaw gawin, yun ay ang pagkanta at pagsayaw. Nung nagpaulan ata ng talentong ganun, sperm palang ako. HAHAHA

"What are you thinking?"

Doon lang ako nabalik sa ulirat ko at mabilis na umiling sa kanya. "Wala naman. Bakit?"

she sighed. "Nakangiti ka kasi. Siguro, iniisip mo ko ano?"

Napaismid ako. Hindi talaga matatapos ang isang araw na hindi niya nagagawang magbuhat ng sariling bangko. "Wow ah. Ang hangin mo din talaga ano?"

She chuckled. "Alam mo Athena, walang masama kung aaminin mong crush mo ko."

Inirapan ko siya. "Crush? Duh. Asa ka. Never in my wildest dream na maging crush ka. You're not my type."

Hindi man lang siya natinag sa sinabi ko at talagang tinawanan niya pa ko. Pasalamat siya at nasa good mood ako, kundi tatadtarin ko siya ng kurot. Kagigil ee.

"Kunwari ka pa ee. Pero deep inside, kilig na kilig kana ngayon kasi kinakausap ka ng crush mo."

T-nginang hambog!

Inis na kinurot ko siya sa tagiliran niya. Nanggigil na ko ee. "Hoy. Ang kapal mo ah! Anong akala mo sa'kin? Cheap? Mataas standards ko 'no."

She laughed hard. Binatukan ko siya para naman magtigil. Minsan nakakairita din ang marinig ang tawa niya. Ang sakit sa tainga.

"Alam mo, iwasan mo ang pagsusungit mo. Tatanda ka agad niyan, sige ka."

Inirapan ko siya. "HA HA Funny."

Sumimsim naman ako sa juice ko. Yes, juice lang inorder namin. Wala kami sa mood ngayon para mag-inom. Kakagaling lang naman sa inom kahapon, inom parin ngayon? Nah. Nagbabagong buhay na ko.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya ng may maisip akong tanong. "Kailan ka pala natutong kumanta?"

"Bata pa ko. Mga 9 years old, nakanta na ko." nakangiting sagot niya

I nodded slowly. "Edi sana all. Ako kasi mga ganung edad, nagbubungkal ako ng lupa sa backyard namin. Tapos binibigay ko yung lupa kay Selene or kay Cassandra."

Her brows furrowed. "Bakit mo binibigay sa kanila?"

I chuckled. "Binabato kasi nila yun sa kapitbahay naming mahilig magtanim ng kamatis sa bakuran nila." I paused. "At saka, nagtatanim siya. Nag-aambag lang ako ng lupa." I added.

Bella Amor Historia: Athena Alexia ButlerWhere stories live. Discover now