ATHENA ALEXIA BUTLER"So, doctor ka pala?"
Nakangiting tumango ako sa kanya. "Yes po."
"Wow." then she turned her gaze in her daughter. "Nice anak. Marunong kana pumili ka ngayon ah."
Her eyebrows met. "Mom. Kumain kana lang."
Napailing bago ipagpatuloy ang pagkain ko. Mukhang pinaghandaan nga ng nanay niya ang pagdating namin dahil ang daming niluto.
"Hellooo peoplee! I'm homeee."
Napabaling ang atensyon namin sa taong pinanggalingan ng boses na yun. Bahagyang napanganga pa ko ng makita ang isang babaeng gulat na gulat na nakatingin sa'min.
Wow. Ang ganda niya ah.
"Ate! Oh my gosh! Nandito ka!"
Mabilis na napakunot noo ako dahil sa narinig. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa ngayon na halos hindi na makahinga si cheap sa sobrang higpit ng pagyayakap ng kapatid.
Napangiti din tuloy ako. Ang sweet nilang dalawa.
"Hindi mo man lang sinabing uuwi ka. Edi sana, hindi ako pumasok ngayon."
"Anong hindi papasok? Sapak? Gusto mo?"
Mabilis umiling ang isa. "Joke lang. Hehehe"
Mahinang napatawa ako dahilan para makuha ko ang atensiyon niya. Shock was written all over her face. "Oh my goodness. Bakit may diyosa dito?"
Napatawa ako. Ang cute niya ah. At sa tingin ko, mukhang magkakasundo kaming dalawa. "Astraea, she's your Ate Athena. Girlfriend ni Ate Lachesis mo." nakangiting pakilala ng mommy nila.
Kung gulat siya kanina, mas nagulat siya ngayon. Napahagikhik na naman ako. Hindi ko akalain na may ganito kagandang kapatid ang cheap na 'to. "Ate! Girlfriend mo ang diyosang yan?"
She nodded, smiling from ear to ear. "Ganda niya 'no?"
Palihim na kinurot ko siya sa hita niya. Pasimpleng ang bruha. Chansing siya oh. "Wow! Magaling kana ngayon ah."
"Tama na yan. Maupo kana bunso, sumabay kana sa'min."
Tahimik naming pinagpatuloy ang pagkain. Tanging ang magkapatid lang ang nag-uusap ngayon at nagkukwentuhan about sa study ni Astraea.
"Ate Athena."
I immediately looked at her. Bigla akong napangiti. Ang sarap pala sa pakiramdam na may natawag sayong 'ate'. "Hmm?"
"Totoo po? Doctor ka?"
I nodded, smiling. "Yes Astraea."
"Wow. Sure kaba talaga dito kay Ate Lachesis? Walang pag-aalinlangan?"
Natatawang nilingon ko ang katabi ko na masamang nakatingin ngayon sa bunsong kapatid niya. Tamo, ang lakas ng loob niyang sagut-sagutin ako pero dito sa kapatid niya, tiklop siya. "Honestly, hindi ko nga alam kung paano naging kami ng ate mo. Siguro, ginayuma niya ko."
She laughed hard. "Sabi ko na nga ba! Imposible naman kasing mapasagot mo ang ganyang kaganda ate. Sa torpe mong yan?"
"Hoy! Hindi ako torpe 'no. At saka, wala kabang bilib sa'kin?"
Mataman siyang nakatingin kay cheap bago umiling. "Wala."
Malakas na napatawa kami dahil sa hilatsa ng pagmumukha niya ngayon. Para siyang ewan na hindi maintindihan.
YOU ARE READING
Bella Amor Historia: Athena Alexia Butler
RomanceHistoria#5 Athena Alexia Butler Lachesis Faith Griffin Date Started: July 21, 2020 Date Finished: August 9, 2020