Chapter VIII

5.8K 213 23
                                    


ATHENA ALEXIA BUTLER


"Surgery well done!" mahinang saad ko. Hindi sa sarili ko, kundi din sa mga kasamahan ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko operating room, isang malakas at malalim na paghinga ang nagawa ko.

Pang ilang operasyon na ba itong nagawa ko? Apat? Lima? Anim?

Damn! Nakakapagod. But still, nakakatuwa. Dahil sa mahigit anim na operasyon na nagawa ko, lahat 'yun napagtagumpayan ko. Sinong hindi matutuwa hindi ba?

Nakakagalak sa puso ng makita ang ngiti sa mga labi ng mga kamag-anak ng pasyente ko. Mabuti naman at nakatulong ako.

Pasalmpak akong umupo akong umupo sa swiveling chair ko bago napahilot sa sintido ko. I took a quick glance in my wrist watch. At napahinga na naman ako ng malalim ng makitang ala-una ng hapon na.

Nalipasan na naman ako ng gutom. At yari na naman ako kay mommy for sure.

"Hi Dra. Butler."

Napataas ako ng kilay dahil sa biglang pagpasok niya. "Walang katok katok ah. Dere-deretso pasok."

"Ganun talaga. Perks of being a friend." hambog na sagot niya.

Inirapan ko siya. "May kailangan ka?"

"Wala. Pero ikaw, oo." she smirked. "Hulaan ko, hindi ka pa nakain. Nagpalipas kana naman."

I let out a loud sigh. "Hindi ko maisingit sa schedule ko ang lunch. Alam mo naman, doktor."

Pano ko ba magagawang kumain kung pagkakaupo ko palang, maririnig ko na agad ang pangalan ko sa speaker. Sinong makakain ng ayos dun diba?

Hindi naman ako umaangal, dahil in the first place, choice ko 'to. Pangarap ko ang maging doctor. Kaya wala akong karapatan para mainis o umangal sa propesiyong napili ko.

"Sana kahit sumubo ka 'man lang diba."

I smirked. Ako lang ba o talaga iba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya? O baka naman gutom lang talaga ako. "Mukhang nasubo ka nga." nakangising saad ko.

Kunot noo niya kong tinitigan. Marahil iniisip ang sinabi ko. Napapailing na natawa ako. Sa lahat ng matalinong kakilala ko, siya ang pinaka slow.

Agad na nanlaki ang mata niya ng magets niya ang sinabi ko. Tamo! Ngayon lang nagets ng gaga. "You midget! Napaka bastos ng bunganga mong babae ka!"

I laughed hard. "Oh really? Bakit defensive ka?"

She rolled her eyes at me. "Argh! I can't believe na kaibigan kita."

Mas lalong lumakas ang pagtawa ko. Shit lang. Mukhang mapupuno ng hangin ang tiyan ko. "Well, ako din. The feeling is mutual."

Panigurado, uutot ako ng uutot mamaya. HAHAHA Kabag is real!

Inirapan niya lang ako. Napaka taray ng gaga. Mayroon siguro 'to. O kaya naman, nag-away na naman sila ng jowakels niya. At huhulaan ko ulit, siya na naman ang may gawa. "Nag-away ba kayo ni Brook?" natatawang tanong ko

Her eyes widened. "Hindi 'no. Nag-usap na kami ni boo na kahit kailan, hindi na kami mag-aaway. Magmamahalan na lang." Take note, sinabi niya 'yan habang nakatulala at nakangiti na kala mo nagdedaydream.

Napangiwi. Kadiri. Ang pangit niyang mainlove. Binato ko na lang siya ng tissue at sumapol naman sa mukha. "Damn it! What was that for?"

I rolled my eyes at her. "Stop day dreaming. Di bagay sayo. Mukha kang rapist."

Bella Amor Historia: Athena Alexia ButlerWhere stories live. Discover now