Chapter XVIII

6K 215 28
                                    


ATHENA ALEXIA BUTLER


"Athena, tubig oh."

Napapalit-palit ang tingin ko sa dalawang babaeng nag-abot ng bottled water sa'kin.

Hindi ako maka-imik. Nakapatingin ako sa boteng hawak nila. Seryoso ba sila? Kanina pa sila ganito. At hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Kunin mo na 'tong akin. Alam kong nauuhaw kana." kalmadong saad ni cheap.

"Sa'kin ang kunin mo Athena. Mas madadagdagan ang lakas mo kung itong sa'kin ang kukunin mo."

"Bakit? May super powers ba yang bote mo? Normal na bote lang naman yan ah."

"Oo, normal na bote lang ito. Pero wag ka, may halong pagmamahal 'to." mayabang na tugon ni Dike

Napahilot ako sa sintindo ko. Ito na naman sila. Nagsisimula na naman silang dalawa.

"Athena, oh catch."

Napangiti ako bago saluhin ang bote ng tubig na hinagis sa'kin ni Juno. Buti na lang talaga at nakakaramdam pa ang mga kaibigan ko na yun.

"Hey! Bakit yan ang kinuha mo?" Dike hissed at me.

I just shrugged. "Ayaw ko ng sa inyo ee. Baka may lason pa yan. Excuse me."

Hindi ko na sila hinintay pang makapag salita at agad akong umalis sa pwesto na yun at lumapit kina Venus na nagpapahinga din.

Simula ng dumating kami dito, wala ng ibang ginawa ang dalawang yun kundi ang magtalo. Nagaagawan pa sila kanina sa bag ko. Parang mga tanga. Ginawa naman nila kong lumpo. Jusko.

"Hey, okay ka lang?" Venus asked.

Tumango ako bago ubusin ang natitirang tubig dito sa boteng hawak ko. "Oo naman. Napagod lang."

"Mapapagod ka talaga. Hindi sa pag-akyat dito sa bundok, kundi sa kakasaway sa dalawa mong manliligaw." natatawang saad ni Gwenn.

Napairap naman ako. "Hindi ko manliligaw ang dalawang yun."

"Oo nga pala, girlfriend mo kasi ang isa." Juno said.

I inhaled deeply. "Shut up JC. Hindi ako natutuwa sa nangyayari."

Hindi naman talaga. At walang nakakatuwa. "Bakit naman? Ayaw mo nun, ang tagal mong naghintay na mapansin ka ni Dike, tapos ngayong nangyayari na, ayaw mo?" pagsingit ni Cassandra bago umupo sa tabi namin kasama ang asawa niya.

Talagang kasama nga nila ang mga asawa. Jusko. Ayaw mahiwalay kahit isang gabi lang.

"Ah. Alam ko na." lahat kami napatingin kay Selene na taimtim na nag-iisip. May isip pala ang gagang ito. Ngayon ko lang nalaman.

"Spill it Kendra." aburidong saad ni Vi.

"Siguro, kaya hindi siya natutuwa sa nangyayari, kasi pwedeng hindi na si Dike, at si Lachesis na."

"Si Lachesis naman talaga." Thalia second

Inirapan ko sila. "Manahimik nga kayo. Ang iingay niyo."

"Nako! Ayaw mo lang pag-usapan natin na si Lachesis na ang mahal mo." nakangising sambit ni Penelope.

Napahilot ako sa sintido ko bago inis na tumayo at umalis sa bwisit na lugar na yun. Ang pinaka ayaw kong scene sa lahat, ay ang hot seat.

Ayaw kong makatanggap ng kakaibang tingin mula sa kanila, na para bang may ginawa akong krimen. Jusko.

"Athena."

Bella Amor Historia: Athena Alexia ButlerWhere stories live. Discover now