Espanya
Abril 3, 1856Clarita,
Magandang araw sa iyo kaibigan. Pasensiya na at dalawang araw ko pa bago natanggap ang iyong liham dahil pahirapahan maipadala dito. Hindi tulad diyan sa Pilipinas na madali lamang.
Ayos naman ang aming pagdating dito. Kailangan ko lamang bumalik sa medisina dahil pinipilit ako ni Ama. Paki kumusta na lamang din ako sa inyong pamilya.
Mabuti din at naipadala mo sa tamang bahay ang iyong sulat. At oo nga pala, hindi ko pa din makalimutan ang pagpula ng iyong pisngi noong binigay ko sa iyo ito. Hindi ako makapag hintay na magkita muli tayo sa susunod na pista.
Sana ay matanggap ko ang iyong tugon.
Nasisiyahan,
Alejandro Mariano
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Historical FictionMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.