"CLARITA!"
Pumungas na napabalikwas si Clarita sa kaniyang kinahihigaan. Mugto pa din kaniyang mata marahil ay sa pagiyak sa isang araw. Ayaw niyang lumabas dahil papagalitan siya ng kaniyang Ama katulad ng nadatnan siya nitong umiiyak siya noong isang araw.
"Clarita, buksan mo ito at may bisita ka sa bulwagan," dinig niyang sabi ng kanilang mayordoma
"Akoy lalabas na sa loob ng limang minuto, Manang," sabi niya dito nagsimula ng mag hilamos sa kaniyang sariling banyo sa loob ng silid.
Napabuntong hininga siya at inayos ang bistida at tinignan ang salamin. Inayos din niya ang kaniyang buhok sapagkat para siyang batang ulilang tignan sa kaniyang mukha.
Mabuti na lamang at maganda siya at hindi na niya kailangan na ng kolorete sa mukha. Ito ang ikalawang linggo ng Hulyo at wala siyang Alejandro na nadatnan. Siguro ay tama na ang kaniyang kahibangan sa lahat ng bagay. Siguro ay tama nga ang kaniyang naisip noong una pa lamang na hindi talaga totoo ang pagiibig ng isang lalaki sa pamamagitan ng liham.
Siguro siya lamang ang umiibig sa kanilang dalawa, nagpabilog lamang siya sa mga salita nito. Napailing na lamang siya at marahang tinampal ang kaniyang pisngi at pilit na ngumiti.
"Kapag may mapapangasawa na siya, Rita. Dapat ay ikaw din. Hindi ka magpapatalo," bulong niya sa kaniyang sarili. Napailing din siya sa kaniyang sinabi. Bakit nga ba niya ito iniisip? Sabi sa kaniyang kastilang librong binasa ay hindi maganda ang gumanti. Ngunit siya ay nasaktan lamang. Biktima lamang siya ng pangako na napako.
"Clarita anak!" Sigaw ng kaniyang ama at kinalabog ang pintoan ng kaniyang silid.
Napapikit na lamang siya at kinagat ang pagibabang labi. Ganoon ba talaga ka importante ang taong iyon para magmadali ang kaniyang boung pamilya?
"Opo!" Sigaw niya at hinintay munang mawala ang tunog ng yabag papalayo sa kaniyang silid.
Pinihit niya ang hawakan ng pintuan at nagsimula ng maglakad papababa sa hagdanan nila habang nakatingin sa ibaba. Ngunit tila napatigil ang kaniyang mundo ng nag angat siya ng tingin at tumama ang kaniyang mata sa pamilyar na mata. Ang mata na dahilan kung bakit niya piniling mag mokmok lamang sa kaniyang silid sa halos isang buwan.
Nakangiti ito sa kaniya habang hawak ang paborito niyang rosas sa kaniyang kaliwang kamay.
Napasinghap siya habang nakatitig dito. Ilang beses niyang kinurap ang kaniyang mata at baka siya ay nagmamalik mata lamang.
Ngunit, kahit siguro baliktarin niya ang kaniyang sarili ang ganoon pa din ito. Walang pinagbago, nakatayo pa din ang kaniyang nobyo sa tabi ng kaniyang ama.
"Mahal ko..." Bou nitong sambit na halos gusto na niyang lumutang sa kaniyang kinatatayuan.
Ang kaniyang pinakakamahal na matagal na niyang hinihintay. Ang lalaking napaibig sa kaniya dahil lamang sa tagong liham...
°°°°°°
AY BITIN! UUNAHAN KO NA KAYO. HAHAHAHA. MAY BOOK 2 ITO.
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Historical FictionMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.