• XXIX •

2 0 0
                                    

Malolos, Bulacan
Mayo 30, 1856

Ginoo,

Akoy natawa sa iyong liham. Ikaw din palay nakapilyo. At nga pala, Ginoo. Ikaw ang bahala kung ano ang iyong itatawag sa akin.

Maayos naman ang aking pakiramdam sa loob ng dalawang araw. Minsan din kapag oras ng syesta ay ginugugol ko ito sa pagpipinta o di kaya ay paglalaro sa aking manok, o di kaya ay lumanghap ng sariwang hangin sa aming harden.

Masaya din akong mabasa ang iyong liham na ikaw pala ay nagkakaroon na din ng kaibigan sa iyong paaralan.

Sana ay kumain kana ng maayos at kapag masama ang iyong pakiramdam ay agad kang uminom ng gamot. Wala ako riyan para ikay alaagan. Kumain ka din sa tamang oras para hindi sumakit ang iyong tiyan, at uminom ka din ng tubig. Huwag mo sanang kakalimutan ang aking paalala.

Mahal na mahal din kita kahit milya milya ang agwat sa isat-isa.


Nagmamahal,

Clarita Batungbakal

Tagong Liham (Epistolary)Where stories live. Discover now