Malolos, Bulacan
Mayo 24, 1856Ginoo,
Hindi na ako magpapakipot pa Ginoo. Mahal naman nating ang isat-isa, sapat na dahilan na iyon na pwede na tayong maging magkasintahan at baka ikaw ay maagaw pa sa akin.
Para naman kapag uuwi ka dito sa Hulyo ay alam ko na akin kang talaga. Na wala na akong kaagaw. Sabik na din akong makita ka sa susunod na mga buwan.
Maayos naman ang aking kalagayan. Binilhan din ako ni Ama ng mga bagong libro tungkol sa medisina kaya akoy masaya. Ako din ay masaya sa parangal na iyong natanggap. Sana ay ipagpatuloy mo iyan para magkatotoo ang iyong sinabi na sana ay magkasama tayo sa iisang ospital.
Mahal na mahal din kita. Baonan mo din ako ng kwento.
Nagmamahal,
Clarita Batungbakal
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Historical FictionMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.