Espanya
Abril 24, 1856Carlita,
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa iyong tanong. Pasensiya na at hindi ko kaagad naisantinig sa iyo ang aking nararamdaman sapagkat nahihiya ako at ilang milya lamang ang layo natin sa isat-isa. Ngunit, ayaw ko din namang saktan ang iyong damdamin.
Sa una pa lamang nating pagkikita ay nagandahan na kaagad ako sa iyo. Hindi lamang ako kundi ang akin ding nakakatandang kapatid. Hindi mo din naman matatanggi na maganda ka talaga. Ngunit, huwag mo din sanang isipin na ang panglabas na anyo lamang ang gusto ko sa iyo. Sa ilang linggo kong namamalagi sa inyong mansyon ay hindi ko maiwasang maaliw sa iyong presinsiya lalo na kapag nagkakatabi tayo.
Kaya naman binigay ko sa iyo ang papel na naglalaman ng magiging bahay ko para naman ay mabigyan mo ako ng sulat. Hindi ko din inaakala na papaunlakan mo ito. Masaya ako sa bawat araw na binibigayan mo ako ng iyong liham kahit dalawang araw pa bago ko ito matanggap.
Pasensiya na at naduwag ako sa pagamin dahil gusto ko sanang sabihin ito sa iyong harapan para makita mo ang aking sensiridad. Dahil naisip ko na din na hindi mahaba ang isang taon, at sapat na din iyon para magkakilala tayo ng lubusan. Ngunit naunahan mo ako.
Gusto kita Binibining Clarita. At ganoon pa din ang iyong nararamdaman?
Kinabahan,
Alejandro Mariano
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Fiction HistoriqueMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.