Espanya
Mayo 10, 1856
Clarita,Ako diy nagulat sa iyong binalita. Napalapit na din sa akin ang loob ng iyong manok kaya naman pati ako ay nalulungkot din. Hayaan mo at isasama ko siya sa aking panalangin bago ako matulog. Sana ay maayos na ang kaniyang nararamdaman.
Ayos lang din naman sa akin ang sabihan mo ako sa iyong nararamdaman, Binibini. Pwede mo akong gawing talaarawan na hindi araw-araw nakakasulat. At hayaan mo akong e kwento sa iyo na ang tagahatid ng sulat sa akin ay naging kaibigan ko na din. Nag komento din siya na palagi daw akong nakaabang sa labas ng aming bahay kapag sasapat na ang pagtatapos ng dalawang araw.
Salamat din sa iyong paalala, Binibini. Napapangiti mo ako sa iyong simpleng paalala lamang. Hayaan mo at susulatan kita ng tula, ngunit hindi ko maipapadala ngayon dahil ito ay medyo mahaba.
Kukwentohan din kita na maayos naman ang aking pagaaral at buhay. Mas dumami lamang ang gagawin dahil nasa ikalawang buwan na kami. Ngunit ang aking pinagaalala ay ang sinabi ng aking Ama. Tutol din naman ang Ina sa kaniyang sinabi, pati din ako, mas lalong labag sa aking kalooban ang kaniyang sinabi.
Pamilyar ba sa iyo ang pagpapakasal sa isang mayamang angkan kahit hindi mo gusto? Pinipilit ako ng aking ama na umuwi sa Pilipinas para ipakasal sa isang babae sa isang mayamang pamilya sa Maynila. Wala sa aming pamilya ang may gusto ng pagbubuyo sa ibang babae. Ngunit dahil gusto ng kapangyarihan ng aking Ama ay gusto na niya ito. Ngunit huwag kang magaalala, hindi ko naman papayagan ang aking Ama na gawin niya ito sa akin. Mas gugustuhin ko pang mag pakasal kahit hindi ako mayaman basta lamang ay sa mahal ko.
Kwentohan mo din ako sa iyong ginagawa Binibini.
Nagugustohan ka,
Alejandro Mariano
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Historical FictionMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.