Malolos, Bulacan
Abril 18, 1856Ginoo,
Nga pala. Bago ko kamustahin ang iyong araw ay gusto ko lamang sabihin na nagpabili din ako kay ama ng kahon para sa iyong sulat para sa akin. Kasama na din ang ating litrato kasama ang aking pamilya at iyo.
Kamusta na pala ang iyong dalawang araw? Ang sa akin naman ay ayos lamang ngunit pinadala ako ng aking ama sa isang liblib na lugar para tumulong sa tao doon.
At siguro, susundin ko ang iyong sinabi na pipilitin ko lamang sa ama at baka payagan niya ako. Pero bago pa ang aking huling salita sa sa liham na ito ay sakto na may dumaan ding taga litrato sa aming lugar at agad itong tinawag ni Ama.
Sana ay sapat na ang litratong ito para iyong makita. At oo, Ginoo. Hindi lamang sila ang may gustong makita kang muli. Pati din ako...
Iyong kaibigan,
Clarita Batungbakal
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Tiểu thuyết Lịch sửMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.