• IV •

21 0 0
                                    

Espanya
Abril 8, 1856

Clarita,

Magandang araw sa iyo magandang binibini. Habang binabasa ko ang iyong sulat at hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Huwag ka sanang mahiya dahil maganda ka pa din naman kahit ika'y nahihiya.

At pakisabi din sa aking matalik na kaibigan na hindi ko talaga makakalimutan ang aking mga pasalubong para sa inyo. Lalo na sa iyo Binibining Clarita, bagay sa iyo ang nakita kong bestida sa palengke dito.

Habang tinitignan ko iyon ay ikaw ang naalala ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero sa kaunting panahon nating magkakilala noong nasa Malolos pa lamang ako ay magaan na kaagad ang nararamdaman ko sa iyo.

Sana din ay e kwento mo sa akin ang nangyayari sa iyo sa loob ng dalawang araw bago maipadala ito para naman may mabasa din ako pag uwi galing sa paaralan. Ganoon din ako sa iyo.


Iyong kaibigan,

Alejandro Mariano

Tagong Liham (Epistolary)Where stories live. Discover now