• VIII •

7 0 0
                                    

Espanya
Abril 16, 1856

Binibini,

Inaaliw mo talaga ang aking araw, Binibini. Hindi ko maiwasang itago ang aking pananabik kapag nagdaan na ang dalawang araw dahil makakatanggap na naman ako ng liham galing sa iyo.


At Binibini. Ang kasambahay niyo lamang ba ang may gusto akong makita? Paano ka naman? Hindi mo ba gustong makita ang aking gwapong mukha? Nagbibiro lamang ako.

Sana sa susunod na liham ay padalhan mo ako ng litrato. Ako din ay magpapadala kahit pahirapan ang paghahanap ng taga kuha ng litrato dito.


Totoo nga iyong sinabi Binibining Clarita. Hindi naman importante ang magkaroon ng madaming kaibigan sa paaralan. Basta lamang ay nagaaral ka ng mabuti. Ngunit, maayos ba ang pagtuturo ng iyong personal na guro? Hindi kaba niya pinagmamalupitan. Hindi ko maiwasang magalala dahil narinig ko din sa ibang balita na ganiyan ang ibang personal na guro.

At ang tungkol naman sa iyong ama, kaunting pilit lamang sa kaniya ay papayagan ka din niyan. Ganiyan din ang aking ama sa aking babaeng kapatid. Nagaalala lamang din siya sa kalagayan nito ngunit napilit naman niya ito dahil sabi din nila mas lamang ang pagmamahal ng Ama sa babaeng anak.


Sana ay masaya at masagana ang iyong araw-araw.

Naghihintay sa iyong tugon,

Alejandro Mariano

Tagong Liham (Epistolary)Where stories live. Discover now