• X •

6 0 0
                                    

Espanya
Abril 20, 1856

Carlita,

Napakaganda mo pa din talaga Binibini. Kahit nagdaan ang buwan ay maganda ka pa din. Hindi ko maiwasang humanga sa iyong ganda sa una pa lamang nating pagkikita. Hindi maiiwasang makita ang iyong dugong kastila.

At ang huling linya ng iyong liham ay nakabou ng aking araw. Tiyak na baon ko ang ngiti na ito sa loob ng dalawang araw bago ko matanggap ang iyong sulat. At sana naman ay magkita na ulit tayo. Nanabik na din akong makipag kwentohan sa iyo sa kulungan ng iyong manok.

Nakakatawang isipin na sa kulungan ng iyong manok tayo unang nag usap ng komportable. At mabuti na lamang at maayos ka, masaya akong mabasa ang iyong liham dahil naipadala ka pala sa isang liblib na lugar. Maswerte ka at nasa Pilipinas ka. Dahil dito ay pahirapan ang maipadala sa isang lugar dahil may ibang mas magaling pa sa akin at nakikita nila ang potensiyal sa pagiging isang Doktor balang araw.


At ang larawan na ito ay ang aming simpleng uniporme sa paaralan at sana naman ay isama mo din ito sa kahon ng aking mga sulat. Maraming salamat din at magkatulad pala tayo na tinatago ng liham ng isat-isa.

Hangad ko ang masaganang buhay para sa iyo. At sana sa susunod ding mga linggo ay makakatanggap din ulit ako ng litrato galing sa magandang dilag katulad mo Binibini.


Iyong kaibigan,

Alejandro Mariano

Tagong Liham (Epistolary)Where stories live. Discover now