Malolos, Bulacan
Hunyo 12, 1856Mahal ko,
Totoo nga ang iyong sinabi. Mabuti nalang at sinabihan ko si Ama na hindi ko siya sasamahan na ipakilala ako sa kaniyang mga kaibigan at sumama nalang kay Ina.
Huwag kang magalala sapagkat ikaw lang din ang nagmamayari ng aking puso at isip. Hindi ko maiwasang malungkot sapagkat narinig at aking nakita sa iyong ama ang isang magandang dilag na anak ng hari ng Espanya noon. At kaniyang sinabi na siya ang iyong mapapangasawa kapag ikaw ay natapos na sa medisina. Sana naman ay hindi ka pumayag, kaya kong maglaro at itaya ang aking buhay kapag ikaw ang premyo.
At ayos lamang sa akin na hindi mo sinasabi sa akin ang ibang impormasyon tungkol sa iyo. Nirerespito ko ang iyong desisyon. At ako din ay may hindi sinasabi sa iyo.
Mahal na mahal din kita at wala akong pabaong kwento sa iyo sapagkat akoy malungkot sa loob ng dalawang araw. Pasensiya ka na at huwag mo sana akong pagsawaan.
Nagmamahal,
Clarita Batungbakal
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Historical FictionMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.