Malolos, Bulacan
Mayo 20, 1856Ginoo,
Akoy nahihiya sa iyong mensahe kahit hindi mo naman ito sinabi sa aking harapan. Ngunit isang katanungan ang nasa aking isipan habang binabasa ko ang iyong liham.
Tayo ay magkasintahan naba? Pasensiya kana sa aking tanong sapagkat wala pa akong naging nobyo at sinabihan ng mahal kita noon at ikaw pa lamang. Ngunit, mahal natin ang isat-isa hindi ba? Ano ang iyong gusto. Sana ay makatanggap ako ng sagot sa iyong susunod na liham.
Nagagalak din akong mabasa na ikaw ay maayos lamang. Ako din ay maayos lamang, patuloy pa din sa pag aaral at mas lalo nga lang naging mahirap ang mga gawain.
Balita ko ay pupunta ng Espanya si Nilong sa Hunyo. Hayaan mo at ipapadala ko ang aking pinta para sa iyo. Sana ay magustohan mo ito sapagkat hindi naman ako dalubhasa sa mga ganoon.
Mahal na mahal din kita, Ginoo. At huwag kang magaalala kung may ibang lalaki na umaaligid sa akin sapagkat ikaw lamang ang tanging lalaking nasa aking puso at isipan.
Hangad ko ang iyong magandang buhay sa Espanya. Sana ay may kwento ka din sa susunod mong liham.
Nagmamahal,
Clarita Batungbakal
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Tiểu thuyết Lịch sửMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.