Malolos, Bulacan
Abril 5, 1856Ginoo,
Tama nga ang iyong sinabi na matagal pa bago matanggap ang liham mula sa Espanya. Salamat din at pinaanyayahan mo ang aking sulat at nag abala kapang sagutin ito. Hindi ko din inaakala na matutugonan mo ito.
At saka ng pala, nangungumusta ang aking Kuya Nilong sa iyo at huwag mo dawng kakalimutan ang iyong pasalubong sa amin. Kahit nahihiya akong sabihin ito ay kailangan dahil samantalang sinusulat ko ito ay nasa likuran ko lamang si Nilong at binabantaan ako na nanakawin ang aking manok kapag hindi ko sasabihin sa iyo.
Sana at matugonan mo din ito kapag nagkataon. At huwag mo ng ipaalala sa akin ang una nating pagkikita at ang pagbibigay mo sa akin ng papel sapagkat akoy nahihiya.
Iyong kaibigan,
Clarita Batungbakal
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Historical FictionMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.