Malolos, Bulacan
Abril 26, 1856Ginoo,
Akoy nagulat talaga sa iyong mensahe. Mabuti na lamang at naagaw ko ito bago pa makuha ni Nilong at baka mapagalitan ako niyon kapag nalaman niya.Ngunit, nagulat talaga ako Ginoo, hindi ko mawari ang aking nararamdaman. Hindi ako magsisinungaling dahil tayo lang naman ang nakakita ng mga tagong liham na ito. Tanging tago lamang ito para sa ating dalawa.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, kabahan, at mahiya. Pasensiya na at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa iyong liham dahil sa gulat. At kagustohan ko mang magisip muna bago ito isulat ay hindi ko magawa dahil baka matagalan ang aming pagpapadala dito. Ayoko namang sirain ang ating pagsusulatan.
Ang masasabi ko lamang ay salamat? Salamat siguro dahil hindi ko pa din alam ang aking sasabihin. Sadyang nagpapakatotoo lamang ako. Sana ay hindi mo ako layuan kung mabasa mo ito. At pasensiya na at wala pa muna akong maitugon sa iyong huling tanong.
Sana ay ayos ka lamang sa iyong bahay at sa iyong paaralan.
Pasensiya na,
Clarita Batungbakal
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Historical FictionMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.