Malolos, Bulacan
Mayo 8, 1856Ginoo,
Hayaan mo din at padadalhan kita ng pinta ng iyong mukha kapag nagkataon. Salamat din sa iyo at may nalaman ako ng kaunting bagay sa iyo.
Medyo malungkot lamang ako dahil may sakit ang aking manok. Hindi din siya kumakain sa loob na ng dalawang araw. Sana naman at maging maayos na siya. Gumagawa na din ako ng gamot para sa kaniya kaya sana ay maging epektibo. Hindi ko alam ang aking gagawin kapag nawala ang aking manok.
Pasensiya ka na at ito ang laman ng aking sulat sa ngayon dahil malungkot ako at wala akong mapagsabihan kundi ang pagsulat lamang sa iyo. Sana ay hindi masamain.
At sana nga ay magkatotoo ang iyong sinabi na balang araw ay magkasama tayo sa iisang ospital. Sana din at dito ka sa Pilipinas mamalagi kapag ikaw ay naging dalubhasa na.
Sana ay masagana ang iyong kinakain araw-araw. Huwag mo sanang pabayaan ang iyong sarili. Aasahan ko ang iyong tulang ipapadala.
Nalulungkot,
Clarita Batungbakal
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Historical FictionMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.