• XVII •

6 0 0
                                    

Malolos, Bulacan
Mayo 4, 1856


Ginoo,

Hindi ko maiwasang matawa din sa panghuling isinulat mo. Alam ko namang gusto mo ako ngunit pinapaala mo pa. Ngunit kung iyon ang iyong gusto ay ayos lang din naman sa akin.

Nga pala Ginoo. Dahil sabi mo ay gusto mong malaman ang ayaw at gusto ko. Hayaan mong sabihin ko sa iyo. Sana naman ay susunod din na iyong liham ay ganoon din ang iyong sasabihin.

Ako si Clarita Batungbakal. Alam kong alam mo na iyan ngunit gusto kong sabihin iyon parang hindi ka magtaka pa. Ako ay 21 anyos, nakatira sa Malolos, Bulacan. Anak ni Don Carlo at Donya Lita, ang aking nagiisang kapatid ay si Danilo na iyo ding matalik na kaibigan.

Hindi naman ako katulad ng ibang babae na iyong nakilala. Ang aking mga hilig naman ay ang pagsusulat ng isang nobela, pagpipinta ngunit hindi ako magaling. Mahilig din akong magbasa ng ibat-ibang libro kaya naman halos nasa librarya ako ng aming bahay. Wala naman siguro akong ayaw. Ngunit, wala akong kaibigan na nasa ibang kabayahan o sa ibang lugar dahil ang nasa aking isipan ay kakaibiganin lamang nila ako dahil may kaya ang aking pamilya. Ang tanging kaibigan ko lamang ay ang aming ibang nakakabatang kasambahay at ang aking manok.


Maayos naman ang aking araw sa nag daang dalawang araw. Ngunit hindi maiwasang mapagod dahil palagi kaming lumuluwas ng bayan para mag ekspereminto sa mga gamot at tumulong din sa ibang tao.

At Ginoo, hintayin mo ang araw na sasambitin at isusulat ko ang letra at kataga na Mahal Kita. Ngunit hindi nga lamang ngayon dahil ayaw kong madaliin ang aking nararamdaman, dahil ang sabi sa isang kastilang libro na aking nabasa ay kapag minamadali ang pagibig ay agad din itong nawawala.

Kwentohan mo din ako sa iyong susunod na liham.


Nangungumusta,

Clarita Batungbakal

Tagong Liham (Epistolary)Where stories live. Discover now