Espanya
Hunyo 2, 1856Mahal ko,
Magandang araw sa iyo mahal ko. Maraming salamat din sa pinta na iyong ibingay. Hindi ko inaakala na ang aking mukha pala ang iyong ipipinta. Hindi pa din mawala sa aking labi ang ngiti habang tinitignan ko ito. Napakaganda ng iyong obra, mahal ko. Katulad mo din ito.
Nilagay ko nga pala ito sa ibabaw ng aking lamesa na katapat din ng aking kama para kapag akoy nagpapahinga makikita ko ito at maalala kita. Ngunit, kahit naman ay hindi ko ito makikita ikaw pa din ang aking naalala. Pati sa paghiga ko ay iyong mukha ang aking nakikita.
Maayos naman ang aking kalusogan dito. Salamat din sa iyong paalala na akoy kumain at uminom ng tubig, makaasa ka na hindi ko kakalimutan ang iyong sinabi.
Papadalhan din kita ng regalo at ibibigay ko ito kay Nilong pag uwi niya at nga pala, kami ay nagkita sa Barcelona kahapon. Hindi ko inaakala na unang araw pala ng Hunyo ang kaniyang dating.
Mahal na mahal din kita. Sana ay ikaw din, alaagan mo ang iyong sarili.
Nagmamahal,
Alejandro Mariano
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Historical FictionMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.