Espanya
Abril 12, 1856Clarita,
Habang binabasa ko din ang nasa gitna ng iyong sulat ay hindi ko maiwasang matawa. Napaka palabiro mo pa din Binibini. Kahit sa loob ng isang buwan nating pagkikilala ay nasisiyahan pa din ako sa iyong pagkapilya.
At naglalaro ang imahe sa aking isipan na ika'y nakanguso at nakakunot ang noo habang sinusulat ang saloobin ng tungkol sa iyong ama. Sa loob din ng isang buwan nating pagkikita sa inyong mansiyon ay nakilala ko din ang ugali mo, hindi man ang lahat ngunit nakatulong na din ang kaunti niyon para sa akin.
Hayaan mo din akong sabihin sa iyo ang nangyayari sa akin sa loob ng dalawang araw. Hindi ko pa din lubos maisip na nasa pinakamalaking paaralan na pala ako sa Espanya. Ngunit, wala pa akong kaibigan dito dahil nahihirapan din ako sa kanilang lenggwahe. Tanging Ingles ang iba kong kamagaaral. Malimit lamang ang may alam ng aking natutunang lenggwahe. Ngunit, ayos lamang para sa akin ito.
Sana din at masagutan mo ang liham na ito. At nga pala Binibini, iniipon ko ang iyong sulat sa isang pabilog na lalagyan at hindi ko ito tinapon. Para kapag nagkita tayo ay may maalala tayo.
Iyong kaibigan,
Alejandro Mariano
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Historical FictionMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.