Espanya
Mayo 6, 1856Clarita,
Magandang araw sa iyo. Sana ay maayos lamang ang iyong araw kapag iyong nabasa ito. Hindi ko pa din maiwasang mapangiti sa bawat liham na iyong ipinapadala. Pilya kapa din. At salamat naman ay nasabi mo sa akin ang iyong mga hilig.
Hayaan mo at bibilhan kita ng madaming libro dito sa Espanya kapag nagkataon. Sa oras ng aking syesta ay nagliliwaliw ako sa bayan dito. Pupunta ako sa bilihan ng libro at ikay aking bibilhan. Ang iyong mga regalo ay nakatambak lamang dito.
At hayaan mo din akong magpakilala ako sa iyo. Ako si Alejandro Mariano. Purong kastila ngunit pinili ng akin ama at ina na manirahan na lamang sa Pilipinas para mapalago ang aming negosyo. Mahilig din ako sa pag susulat ng tula, hayaan mo at susulatan kita sa susunod na aking liham. Mahilig din akong pumunta sa ibat-ibang lugar at makasalamuha ng ibat-ibang tao. Mahilig din ako sa pagtuklas ng bagong lenggwahe para naman kapag pupunta ako sa ibang lugar ay madali lamang para sa akin na makilala sila. Katulad moy hindi ko din alam kung anong ang aking mga hindi gusto.
Basta isa lamang ang aking nasisiguro ikaw ay aking gusto. At aking matalik na kaibigan ay ang iyong Kuya Nilong lamang.
Maayos naman ang aking kalusugan dito. Hindi ko din pinapabayaan ang aking sarili. Minsan lamang ay pinapagalitan ako ni Ama kung bakit sa Espanya ko piniling magaral. Ngunit titiisin ko na lamang ang kaniyang mga salita sapagkat dadating ang araw na magiging dalubhasa ako at mapapatunayan ko sa kaniya na may mararating din ako.
At nga pala. Ayos lamang ang litratong iyong ipinadala noong isang araw. Maganda ka pa din. Walang pinagbago ang taglay na yung ganda. Pati ang iyong ngiti ay mas lalong nakakapagpahulog sa akin.
Baonan mo din ako ng kwento sa iyong susunod na liham. At hindi ko alam kung anong isusulat ko sa huling salita sa aking liham kundi 'nagugustohan ka'. Hayaan mo lamang akong ipaalala sa iyo sa bawat liham ko kung gaano kita kagusto.
Nagugustohan ka,
Alejandro Mariano
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Historical FictionMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.