Espanya
Mayo 2, 1856Clarita,
Habang nakatingin ako sa petsa sa ibabaw ay hindi ko inaakala na umabot ng Mayo ang ating pagsusulatan. Madami-dami na din pala ito, ngunit sana ay hindi ito matigil hanggat hindi pa ako makakauwi. Hayaan mo at kapag akoy nakauwi ay bibilhan kita ng napakaraming papel para mabayaran ko ito. At siguro ay bibilhan kita ng makapal na talaarawan para maisulat mo ang iyong saloobin na gusto mo na ikaw lamang ang nakakaalam.
Maraming salamat din sa iyo. Masaya din naman ako na nagkakasulatan tayo. At nga pala sa iyong susunod na sulat ay sana naman ay maisulat mo ang lahat ng iyong gusto at ayaw, ang iyong hilig at iba pang tungkol sa iyo. Para naman at malaman ko din, para din kapag paguwi ko ay may alam na akong kaunting bagay para sa iyo.
Masaya naman ang aking pagaaral dito sa Espanya. May iilan lamang akong kaibigan. Tama nga ang sinabi mo, Binibini. Balang araw ay magiging isang dalabhusang manggagamot din ako. At sana naman ay kapag nagkatotoo iyon ay hangad ko na magkatrabaho tayo, magkasama tayo sa iisang ospital. Tiyak na lalago ito dahil isa kang magaling na doktor.
At Binibini. Nais kong sabihin na siguro sa susunod na buwan o araw ay hindi na 'iyong kaibigan' ang ilalagay mo sa panghuling liham mo. Kundi 'nagmamahal' na.
Nagugustohan ka,
Alejandro Mariano
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Historical FictionMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.