Espanya
Mayo 14, 1856Clarita,
Pasensiya na at binigyan kita ng iispin. Ngunit, hindi ko din alam ang aking nararamdaman kung magiging masaya ba ako o magaalala sa iyong sinabi na ikay nagseselos. Ngunit mas lamang ang aking saya na nararamdaman.
Masaya naman ang aking buhay dito sa Espanya, nga pala nagagalak akong mabasa na mabuti na pala ang nararamdaman ng iyong manok. At sa pagliliwaliw ko sa pag seyista ay binilhan kita ng bestida, ito ay kulay dilaw. Bagay na bagay sa iyo. Sana ay makita kita sa susunod habang sout ito habang tayo'y namamasyal sa Intramuros.
Napadala din ako sa isang ospital dito sa Barcelona at sobra ang aking saya dahil isa ako sa napiling mag presinta. Totoo nga ang iyong sinabi na balang araw ay mapipili din ako.
At ito nga pala ang tula na aking ginawa sa loob ng dalawang araw. Pinagiisipan ko din ito dahil nahihiya akong isiwalat sa iyo ang pagkahilig ko sa pagtutula dahil hindi naman sing dalubhasa ng iba.
Baonan mo din ako ng kwento kapag ito ay iyong nabasa.
Nagmamahal,
Alejandro Mariano
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Fiction HistoriqueMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.