Espanya
Mayo 18, 1856Clarita,
Hindi mo alam kung gaano ako kasaya habang binabasa ang iyong liham. Tiyak na sa loob ng dalawang araw ay baon ko ang saya na ito.
Maraming salamat. Hindi ko din alam ang aking itutugon sa iyo kundi maraming salamat. Nadinig ng Diyos at Bathala ang aking dasal gabi-gabi na sana ay iyong matugonan ang aking nararamdaman.
Ngunit hindi ko maiwasang mangamba sapagkat sa susunod na buwan ay pista na sa ating bayan at marahil maraming mga lalaki ang magkakandarapa sa iyong ganda. Sana naman ay wala. Wala ako sa iyong tabi ngunit asahan mo sa aking isip at puso ay andito ka.
Mahal na mahal kita, Binibining Clarita. Hindi mawala sa akin ang ngiti. Habang binabasa ko ito sa aming bulwagan ang nagtataka ang aking kaibigan kung bakit ako sumigaw. Pasensiya na sa kaniya at ako lamang ay masaya.
Ayos naman ang aking buhay dito sa Espanya. At nga pala, Binibini ako ay may magandang balita. Sa susunod na buwan ay akoy uuwi na! Sa Hulyo ang aking uwi dahil gusto akong makita ng aking tiyuhin galing sa Alemanya. Tiyak na bibisitahin kita kaagad sa inyo at hihingin ko ang iyong kamay sa iyong ama.
Sana ay maayos ang iyong lagay at pag aaral.
Nagmamahal,
Alejandro Mariano
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Historical FictionMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.