Malolos, Bulacan
Abril 30, 1856Ginoo,
Magandang araw sa iyo. Sana naman ay maayos din ang iyong kalagayan. Ngunit sa kasamaang palad ay wala pa akong litrato na akoy nagiisa lamang, kasama ko ang aking guro sa isang ospital dito sa ating bayan. Sana ay ayos lamang sa iyo ang litratong aking ipapadala.
At nga pala Ginoo. Ang nangyari naman sa akin sa loob ng dalawang araw ay ganoon pa din. Nasa bahay lamang ako at nagaaral. Hindi ko naman pinapabayaan ang aking sarili. Sana ay ganoon ka din. Kamusta nga pala ang iyong pagaaral sa Espanya? Nakalimutan kong isulat sa aking unang sulat na huwag kang magalala at magiging isa ka ding dalubhasa na manggagamot.
At salamat din sa iyong pagiintindi sa aking nararamdaman. Hindi kapa din nagbabago kahit ikay nasa Espanya na Ginoo. Ganoon pa din ang iyong ugali na may respeto sa kababaihan.
Hangad ko ang masayang araw para sa iyo. Maraming salamat din ulit dahil sa iyo ay nagkaroon ako ng kakwentohan gamit ang papel at panulat.
Iyong kaibigan,
Clarita Batungbakal
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Historical FictionMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.