Malolos, Bulacan
Abril 10, 1856Ginoo,
Habang binabasa ko ito ay hindi ko maitago ang aking pagkapahiya kahit ako lamang ang nag iisa sa aking silid.
At huwag mo sanang mamasamain Ginoong Alejandro, ngunit isang buwan lamang tayong magkakilala ngunit laman na kaagad ako ng iyong isipan hanggang sa Espanya? Hindi ko alam na ganoon pala kalaki ang aking epekto sa iyo, Ginoo. Pero ako'y nag bibiro lamang, huwag mo sanang mamasamain.
Sa loob naman ng dalawang araw bago ko matanggap ang iyong sulat ay nagbabasa lamang ako ng mga libro at nag aaral sa mga sangkap para gumawa ng medisina. Hindi din kasi ako pwedeng mag aral sa labas sabi ni Ama dahil baka daw ako ay kainggitan ng iba dahil sa taglay na yaman ng aming pamilya.
Ngunit ang gusto ko lamang naman ay makapag aral sana katulad ng ibang normal na kabaatan at hindi ikukulong sa aming bahay kasama ang aming guro. Hindi ko din maiwasang mainggit sa iyo dahil hindi tutol ang iyong ama sa iyong pagaaral sa ibang bansa.
Pagpasensiyahan mo na din at sa liham na ito ay hindi ko maiwasang hindi mailabas ang aking saloobin. Maghihintay ako sa iyong tugon.
Ang iyong kaibigan,
Clarita Batungbakal
YOU ARE READING
Tagong Liham (Epistolary)
Historical FictionMaari bang mahulog ang isat-isa sa simpleng liham lamang? Tunghayan ang pagiibigan ng dalawang taong pinagtagpo dahil sa tagong liham.