CHAPTER 10

141 7 0
                                    

Anj said love cannot be vague. She said, we can't be confuse while we're in a relationship. Kasi doon daw nagsisimula yung problema, lumalabo hanggang sa dumating na sa point na hindi na pwede. Na hanggang dun nalang kasi pagod na at hindi narin nagw-work.

That sometimes, instead you grow together you'll end up outgrowing each other. You'll end up getting tired and you will come to the point na ubos ka na. And, the worst, the ending. Unexpected ending.

"It felt like a non-stop learning e. Habang tumatagal mas maraming responsibilities sa isa't-isa, mas maraming dapat i-work out together." Dagdag ni Anj.

I smiled as I listened to her stories. We're in a round table and the guys are doing shots back and forth. They are drinking hard liquors while kaming girls ay red wine lang ang iniinom habang nagk-kwentuhan.

There are still a lots of people in this garden; drinking, laughing together and enjoying each other presence. Kanina ay naglilibot pa sina Anj at Jordan pero ngayon ay nakisalo na sa amin. Everyone is loud and it feels like an escape. May mga nagsasayaw din at yung iba ay naglalaro. Basically, it is an after-party for the newlyweds. Nandito parin ang pamilya nang bagong kasal at iba pang mga bisita samantalang ang iba ay umuwi na dahil may pasok na kinabukasan; sa trabaho man o eskwelahan.

Nasabi rin ni Aldrin na umuwi na raw si Jen dahil may emergency sa trabaho. Mukha silang nakahinga nang maluwag dahil doon. Aside from what Anj said na may gusto si Jen kay Ryle ay wala na akong narinig pa sa kanila. Well, they all agreed that she's crazy. 

"You sleepy?" Bulong sa akin ni Ryle.

I shook my head. "Nope. Don't mind me. Kaya pa naman."

I smiled to assured him. Although, I'm already sleepy and tired, I still want him to enjoy this night. Minsan lang naman. Sabi rin ni Ria ay madalang naman silang uminom. Kapag pwede ay araw lang nang Sabado dahil pare-parehas silang may trabaho at busy.

Kaya naman kinabukasan habang nagpapaalam sa isa't-isa ay nagp-plano na sila kung kailan ulit pwedeng magkita. Really, adulting and its responsibilities.

"Gosh, if we all have time let's go out ha. I'll text you or DM you." Sabi ni Anj habang yakap ako.

"Yes. Hmm, congrats ulit. Enjoy your honeymoon." I said, teasing her a little.

She wiggled her brows. "Naku! I will enjoy every corner of hㅡ"

"Anj..." Ryle said, cutting her off.

She rolled her eyes. "Kj mo! 'Di na 'to grade three, Ryle! I'm sharing some knowledge lang e."

Ryle didn't respond and continued talking to his friends. It's already 2 PM and we are about to leave. Convoy kami pabalik nila Ria samantalang naghahanda naman sila Anj para sa flight nila mamaya pa-Switzerland para sa honeymoon. She even shared to me how excited she is kasi first time niya raw sa Switzerland.

"Ingat kayo ha! Text niyo 'ko guys kapag naka-uwi na kayo!" Bilin ni Anj habang pasakay na kami sa aming mga sasakyan.

Ryle clicked his car key-fob and opened the door for me. I smiled to thank him before I put my seatbelt on and umikot naman siya para makasakay sa driver's seat. Nauna na ang sasakyan nila Kirk at sinundan naman namin iyon.

"May nasabi ba sayo sila Anj?" Tanong ni Ryle sa kalagitnaan nang aming biyahe pauwi.

Napalingon ako sa kanya bago umiling. He slowly nodded and the silence took place again. Wala naman akong ginawa kundi panuorin nalang ang labas.

Maganda ang sikat ng araw kahit pa-hapon narin. Hindi rin gaanong traffic kaya maayos naman ang biyahe. Tahimik lang kami parehas ni Ryle, siguro dahil pagod parin kahit nakapagpahinga naman. Hindi ko rin  namalayan na nakatulog na ako. Nagising lang ako nang maramdaman kong huminto ang sasakyan at nasa carport na pala kami ng aming bahay.

Never Have Love At All (Las Mujeres Fuertes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon