CHAPTER 21

129 5 0
                                    

"I was yours from the start... Every breath and beat of my heart... Forever and always you'll be... Forever with me..."

My cheeks immediately heat up the moment our eyes met. Ramdam na ramdam ko yung kilig sa katawan ko. Parang tanga! Hindi na ako teenager pero ang feeling parin!

Halos hindi rin matigil sa pang-aasar sina Che sa amin. I even saw Lieze, smiling and joining them as they teased us. Si Ryle ay tahimik lamang na nagmamasid sa tabi ni Stan.

"Happy birthday, my universe. To more years with you." Aza whispered.

Agad namang may pumutok na fireworks na kagagawan pala nila Patt at Archer. Si Harvey ay inabot sa akin ang bulaklak na dala niya. Napanguso ako at natatawa sa itsura nila.

"Galing kay Aza," aniya at napakamot ba sa kaniyang batok.

Sumunod naman ay si Davis na may dalang cake. "Ang corny niyo!" Giit niya.

"Asshole." Bulong ni Aza sa tabi ko.

Kinantahan pa nila ulit ako bago ko i-blow ang cake na binili ni Aza. Yakap na ako ngayon ni Aza. Lasing narin talaga sila dahil nagbubugahan na sila nang alak sa isa't-isa. Pati si Che ay ayaw magpatalo! Puro kalokohan talaga!

Hinarap ako ni Aza sa kaniya at agad nang may ngisi sa labi niya. May kinuha siya sa bulsa nang kaniyang coat at napanguso ako agad nang makita iyon. It is a necklace! Bakit naman parang ang mahal din?! Mukhang ang mahal din kasi talaga noong regalo ni Ryle. Agad naman akong tinulungan ni Aza para isuot iyon. I looked at it and really it's so beautiful. 

"I love you." I whispered as he leaned my body onto his.

It was a fun and wild and messy night. Inabot hanggang alas tres ng umaga ang inuman nila. Dito ko narin sila pinatulog sa bahay except kay Zion na nagsabing uuwi. Api didn't come with him because she's really drunk now and she's so makulit! Gustong makitulog kaya hinayaan nalang ni Zion dahil wala naman talaga siyang magagawa. Hindi rin naman sobrang lasing si Zion kaya hinayaan ko naring umuwi.

Girls will sleep in my room and yung mga lalaki sa guestroom. Buti na nga lang din at may extra mattress kami para sa kanila. Isa-isang binuhat ni Ryle at Aza yung mga babae papunta sa kwarto ko. Pati si Lieze ay nag-passed out. Si Api nakakatayo pa pero inalalayan ko parin.

Kay Ryle at Aza ko na ibinilin ang mga lalaki habang pahirapan ako sa pagpapalit nang mga damit nitong mga lasing na ito! Sa lapag ay magkakatabi sina Api, Che, at Lieze. Kami naman ni Kylie ang magkatabi sa kama. Pinalitan ko muna sila nang shorts at t-shirt dahil puro sila naka-dress. Tinanggal ko rin ang mga accessories na suot nila. Tulog silang lahat at walang pakiramdam sa nangyayari. Isa-isa ko rin silang tinanggalan nang make up! Kaka-21 ko lang tapos haggard na haggard na ako sa kanila!

Sobrang sarap ng naging tulog ko dahil sa pagod. Kinabukasan ay pare-parehas kaming hindi nakapasok. Si Lieze ay umuwi narin pagkakain niya dahil papasok pa sa trabaho kahit halfday lang.

"Pwede na 'kong mamatay sa ginagawa ko!" Saad ni Che habang nakahawak sa sentido niya.

Napatawa si Kylie. "Boba, sure 'yan!"

Buong araw kaming magkakasama at umiinom na naman sila ngunit kaunti lang. Alas singko nang nagpaalam silang umuwi. Naiwan si Aza na parang walang nakuhang tulog kagabi.

"I'll go now, babe." Aniya at kinulong ako sa kanyang mga bisig.

I smiled. "Thank you, Aza. Ang ganda ng gift mo."

"Kasing ganda mo."

"Weh? Nambobola ka lang e! Tsura mo!" Biro ko at kinurot siya.

Napatawa naman siya at napangisi! Ang gwapo lang! Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na siya para umuwi. Hinatid ko muna siya sa labas at tsaka ako tuluyang pumasok sa loob. Nakita ko pa sa carport ang sasakyang regalo sa akin ni Mommy at Tito Anton. Hindi ko parin lubos maisip na sa akin talaga iyon.

Never Have Love At All (Las Mujeres Fuertes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon