CHAPTER 15

135 5 0
                                    

Days had passed like a whirlwind. It is already the second week of August. Isang linggo na nang magsimula ang klase namin at hindi pa gaanong mabigat ang bawat araw nang pasok.

Tahimik lamang kami ni Kylie habang nakikinig sa lecture ni Sir Lincoln. Late siya nang thirty-minutes kaya discussion lang ang inaatupag niya. Palabas na sana kami para umuwi nang pawisan siyang dumating sa room, tuwang-tuwa naman si Che dahil type na type niya si Sir. Humuhulma pa kasi sa magandang katawan ni Sir ang unipormeng suot nito lalo ngayong tinakbo ata niya ang room namin para lang makaabot. Kung hindi lang talaga sanay si Che sa mga ganito tanawin ay paniguradong nagp-palpitate na siya kakatitig kay Sir.

"Bebe time?" Tanong niya habang palabas kami ng university.

Napatango ako. Ka-text ko na si Aza ngayon at naghihintay na siya sa labas. Simula nang umalis siya pa Palawan ay bilang lamang sa daliri ang mga araw na nagkita kami. Halos isang buwan din iyon at kakauwi niya lang ngayon para makapag-pahinga muna mula sa masinsinang training niya, all for his last race of this seasonㅡ The Abu Dhabi Grand Prix.

"Stressed iyang si Aza, paranasin mo nang kaunting sarap." Dagdag ni Che.

Matalim ko siyang tinitigan dahil lahat nang nakarinig ay napatingin sa amin. Oh my gosh, Che!

Napatawa naman siya. "Gaga! Ipagluto mo! Itsura mo! Akala mo talaga inosente!" Aniya pa.

"Ewan ko sa iyo, Che." Inirapan ko ito.

Ang bilis naman niyang nag-transformed nang makita niya sa malayo si Sir Lincoln. She immediately excused herself para puntahan ito. Sabay-sabay kaming napa-tsk nila Kylie dahil akala mo ay napakahinhin ni Che ng lumapit siya kay Sir. Dati pa lamang gusto niya na si Sir kaya naman nang malamang magiging prof namin ito ay talagang nabuo na ang loob niya para magpapansin dito.

Che and her tactics!

"Gusto pang manira nang buhay," saad ni Kylie at halatang masakit na ang ulo ngayon pa lamang.

"We all know, Che. Makukuha niyan panigurado si Sir. Akala ko pa naman nagd-date na ulit sila ni Patt." Dagdag ni Api.

Kaya naman hanggang sa makalabas kami ay problemado kami kung paano namin pagdadahan-dahanin si Che. Gosh! I hope she can wait till we graduate. Nakapaghintay na nga siya dati hindi nalang lubusin! Dahil kung magpapadala na naman siya sa pagiging mapusok niya ay sila lang din ang mahihirapan.

Sir Lincoln is a drop-dead gorgeous professor in our university. Maraming nagkakagusto at friendly din naman kahit papaano, although he is intimidating and he looks masungit din. Kaya siguro maraming nagkakagusto sa kanya ay dahil din sa aura niya. Wala nga atang babae ang um-absent sa mga klase ni Sir.

And, for a fact, he voted Api as one of the beautiful faces in our school before. It happened when they were looking for the new faces of the University of Las Señarez. May voting na naganap, mula sa mga estudyante at faculty members. Selos na selos nga si Che noong araw na iyon, samantalang wala namang pakialam si Api sa nangyari. Kahit pa usap-usapan siya sa school bilang standard nang tipo ni Sir Lincoln.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa nang makalabas kami. Sa sasakyan ni Davis sasakay sina Kylie at Api pauwi. Deretso naman ang lakad ko para puntahan si Aza. I saw him leaning on his car, looking so tired but still he managed to welcomed me with his warm hugged.

I caught some eyes looking at us but I didn't mind them at all.

"God, I missed you." He whispered.

I smiled at him and we both get in his car. Doon ko lamang siya niyakap muli at humalik sa kaniyang pisngi. He looked stunned for a minute before he gave me a soft kissed on my cheeks too.

Never Have Love At All (Las Mujeres Fuertes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon