CHAPTER 17

123 5 0
                                    

I helped Aza to clean the small cut he got from his father. He let me do things for him while he's spacing out. Kanina pa siya walang kibo halatang iniisip parin ang nangyari kanina. I want to ask him if he's okay but I think that wouldn't do, obvious namang hindi siya okay.

Although, sometimes we need one person to ask if we are okay or not... That even though we didn't speak up at least we know that there is a person that's with us.

"Gusto mo ng magpahinga?"

Doon pa lamang siya napatingin sa akin. He smiled painfully before he asked for my hand. He intertwined our hands and stood up. Ramdam ko kung gaano kalamig ang palad niya na parang hirap na hirap siya sa mga nangyari. Niyakap niya ako at isiniksik ang kayang ulo sa aking balikat.

"I'm so tired," he whispered. "I don't know how long I can endure it."

My heart clenched when I heard his voice. It was full of pain. I hugged him tighter for him to feel that I am here, right here, for him. Gusto kong maramdaman niya na kasama niya ako, na may aalalay na sa kanya kapag hindi na niya kaya.

"You'll overcome it, Aza. You are brave." I uttered, caressing his back.

"I'm sorry for what he said. He's just so heartless, Tallinn."

Agad kong naintindihan ang nais niyang iparating. His Dad called me bimbo, nagulat ako pero hindi naman ako naapektuhang masyado. I started to realized my worth. People hurtful words will no longer cut me into pieces instead I'll just ignore it and focus on the beautiful things around me. Iintindihin ko nang dahil baka may pinagdadaanan lang din sila o kung ano pa mang dahilan.

I'll choose my battles now.

Hindi na natatakbuhan at hindi rin pangungunahan.

Natapos ang araw na iyon at nakauwi naman ako ng maaga. Hinatid parin ako ni Aza kahit problemado siya. Okay lang sana kung mag-k-commute nalang ako ngunit ayaw niya. Hindi naman daw siya makakatulog kung hindi niya raw ako ihahatid kahit kaya niya. Sa huli ay pumayag narin ako.

Kinabukasan naman ay deretso training na naman siya. He kept on saying sorry because of what happened. I told him there's nothing to say sorry. Hindi naman niya ginusto iyon, wala rin naman siyang kasalanan.

From: Aza
Sa Sat na alis ko. Kung makakauwi ako bukas pupuntahan kita, okay?

From: Aza
I missed you, babe. Mahal kita.

From: Aza
Just tell me if you want some corny jokes. I'll make time. I love you.

Napangiti ako agad nang mabasa ang mga iyon. Tatlong araw narin kaming hindi nagkikita simula noong Biyernes. Papunta kami ni Kylie ngayon sa susunod naming klase, ito na ang last na subject namin para sa araw na ito. Kakatapos lamang nang vacant namin na itinulog lang namin sa library. Gusto pa nga sanang lumabas muna ni Kylie dahil two hours din iyon ngunit kapag college ka na talaga, mar-realized mo nalang na mas importante ang tulog kaysa sa gumala. Kaya itinulog nalang namin ang two hours vacant namin.

"Be ready for a short quiz." Bungad sa amin ni Ma'am Calizon.

10 minutes pa bago ang klase niya ngunit narito na siya. She immediately set up her things, looking so strict. Sa lahat nang araw na pinasukan namin sa kanya, never pang na-late si Ma'am. Kapag alas tres ang start nang klase namin, saktong alas tres magd-discuss siya. Walang nasasayang na oras kay Ma'am!

Siya talaga ang human per se nang qoute na time is gold!

"Hindi naman sinabing may quiz! Nakakainis!" Bulong sa akin ni Kylie.

Napanguso rin ako dahil lagi naman talagang may pa surprise quiz si Ma'am! Tapos ang short quiz niya ay minimum of 30 items! Sabi pa ni Ryle ay ganito raw talaga si Mrs. Calizon, on time lagi at mahilig sa surprise quiz. Natuto na tuloy ako na magbasa palagi para sa subject niya ngunit hindi ako nakapagbasa para sa ngayong pa-surprise quiz niya.

Never Have Love At All (Las Mujeres Fuertes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon