CHAPTER 33

113 6 0
                                    

"I hate to think that it's possible. Gusto ko lang marinig sa inyo? What the hell was that? Mali ba ako ng pagkakaintindi?"

Mabilis akong napatingin kay Ryle. Mukha parin siyang kalmado samantalang nahihirapan na akong huminga dahil sa kaba. Ryle immediately shook his head and heaved a sighed when he looked back to his Mom.

I pursed my lips as my body started to get tense. Natatakot na naman ako. Hindi ako makagalaw kahit gusto kong tumakbo palayo. Gusto kong magtago at huminto muna 'yung oras. Gusto kong tumakas kahit sabi ko noon magiging matapang ako... Para sa amin.

Hanggang ngayon hindi parin pala ako handa.

Dahil hanggang ngayon naghihintay parin ako ng validation. Na sila mismo 'yung tumanggap sa akin. Hindi 'yung pinilitㅡ hindi 'yung napipilitan lang para sa akin. Napilitan kasi naaawa sa akin. Buong buhay ko nalang bang kaaawaan ako? Pagod na pagod na sa ako ganon.

"Ano, Ryle? I'm talking to you! Ano 'yon ha?!" Tita Beth sounds so desperate for an answer. Hawak niya na ngayon ang kaniyang bibig at tila pinipigilan ang pag-iyak. "Ryle... You're smart... Bakit naman ganon, anak?"

"Ma, I'm sorry," Ryle apologized calmly. "I know that you can't understand now but I hope you will in the future."

I avoided Tita Beth's eyes when it darted on me. Hindi ko siya kayang tiningnan. It feels like I disappoint her really bad. That I failed her for the first time.

Tita Beth narrowed her eyes on her son. "What?! Na ano? Na mahal mo siya? My God, Ryle, mag-isip ka naman!"

Tita Beth then turned to me. She looks so unhappy. Na parang hindi niya inaasahan na darating ako sa point na 'to. Nasasaktan ako kasi parang sinisisi niya ako. Na kasalanan ko 'toㅡ Na ako mismo 'yung nagtulak sa anak niya para mangyari 'to.

Nagmahal lang naman.

Mali parin ba?

Napatango si Ryle bago ako nilingon. "Mahal ko, Ma."

"Oh my God!" Paulit-ulit ang pag-iling ni Tita Beth. "Ryle, are you out of your mind?! Baliw ka na!" She shouted and repeatedly hit the chest of her son.

Tita Beth began to cried so hard. Mas lalo lamang dumoble ang kaba ko dahil sa paglabas nila Ate Susan mula sa kusina. Gulong-gulo ang hitsura nila ni Nanay Helen dahil sa nangyayari. Nakakahiya dahil naabutan pa nila kaming ganito.

Tita Beth seems so far from calming down. Galit siya. She's against us and I can't be mad at her... Naiintindihan ko kahit masakit. Alam ko na namang na mangyayari 'to. Umasa lang siguro talaga ako ng sobra na maiintindihan niya. Na matatanggap niya.

"How can you fell in love with her? Ryle, hindi tama! Pinalaki kita ng maayos tapos ganito..."

"Never question your way of raising me, Ma. Because you did great. You raised me to become a man, to become responsible. Mahal ko si Tallinn, wala namang mali roon." Ryle explained with his eyes on the floor.

"Diyos ko po..." Saad ni Nanay Helen sa mababang boses.

I bit my lower lip. "Tita Beth..."

"And you... Ikaw din? Pati ikaw, Tallinn? Hija... You know how much I love you but this is so wrong!"

"Ma!" Ryle shouted, stopping his Mom. "I love her. I waited for her, Mama. I have waited long enough."

I wiped my own tears as Ryle reach for his Mom. His shoulder started to shake as he began to cry his heart out. Nilapitan ako ni Ate Susan para aluin. Kalmado ang yakap niya sa akin. Parang gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko hindi niya ako hinuhusgahan, na naiintindihan niya rin ako.

Never Have Love At All (Las Mujeres Fuertes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon