CHAPTER 20

137 6 0
                                    

"Ryㅡ"

His phone rang, cutting me off from whatever I'll say. Agad niyang kinuha ang cellphone niya sa kaniyang bulsa at sinagot iyon. I just stand there waiting for him to finish. Ang tagal narin naming hindi nagkita. Hindi rin natuloy ang pag-s-sleepover namin ni Vern sa condo niya. Ngayon ko nalang talaga siya nakita simula noong umalis siya. Parang ang daming nagbago.

"Just got home... Yeah... I'm sorry... How's the shoot?" He's speaking as if no one's listening to him. "Nyssa..."

And he just go... Just like that. Without looking at me, without asking me why I'm here. Na parang normal lang na talikuran niya ako. O dahil kausap niya si Nyssa? Nagkabalikan pa sila? Sila na ba ulit?

"Did he just ignored you?" Kylie asked, worriedly.

Hindi ako makasagot. Parang walang salitang lalabas sa bibig ko kahit gusto ko. Parang biglang ang sakit. Kasi hindi ko rin naman maintindihan kung bakit ganon? Dahil ba hindi ko siya binisita? O may iba pang dahilan?

"Tallinn..." Kylie called me.

I forced myself to smiled and just shook off the pain I am feeling. Ayokong umiyak. Baka hindi niya lang talaga ako nakilala kasi ang dilim narin naman dito? Baka nagmamadali talaga siya?

"O-Okay na ba?"

Agad akong tumulong sa pagbitbit nang mga pinamili namin. Tahimik ako habang nakasakay kami sa elevator. Parang may nagdaang anghel dahil walang kumikibo sa amin. Parang napagod nalang kami lahat bigla. Hindi ko na alam kung nasaang floor na kami basta sumunod nalang ako sa kanila. Agad naman kaming pinatuloy ni Api ng marating namin ang unit niya. Maraming beses na kami rito pero ngayon lang ako nawalan nang pakiramdam sa paligid ko.

"I'm home, Saver!" Said Api and Saver immediately come to his Mama.

Api give him a hug and Saver kissed Api, as if he missed her too much. Tuwang-tuwa naman si Api. Saver looks so cute especially when he's wagging his tail. Tuwing nakikita ko siya parang gusto ko naring magkaroon ng aso. He's a corgi and I can't help but manggigil sa kanya. Ang cute cute kasi talaga! And, he's smart. Superb!

"Did you eat na baby?" Api asked her dog and Saver barked like he understood what his Mama said.

"Parang gusto ko rin ng corgi!" Sabi ni Che at hinalikan si Saver.

Inaya muna kami ni Api na magpalit. We bought pj's kaya pare-parehas kami ng suot, same style but different colors. I got myself a royal blue color, while peach kay Api, silver kay Kylie and red for Che. We also took some pictures to upload later.

"I-microwave mo 'to, Kylie." Utos ni Che at ibinigay kay Kylie ang chicken wings na binili namin.

"Bakit ako?!"

"Tanga! Aayusin nga namin table, e."

Kami ni Che ang nag-ayos ng table sa sala ni Api habang inaasikaso ni Kylie ang mga pagkaing binili namin. Si Api naman inaayos yung mga inumin.

"Api nasaan ba speaker mo?"

"Nandiyan ata sa table malapit sa TV!"

Agad namang hinanap iyon ni Che at nagpatugtog na nang mga malulungkot na kanta. Tinulungan ko si Kylie sa paghahanda ng pagkain nang matapos kaming mag-ayos sa sala, ayaw niya naman akong tantanan ng tingin niya.

She pouted her lips and hugged me. "Are you okay, babe?"

"Oo." I chuckled although I feel a little empty now.

"Iinom mo nalang 'yan." She said and winked at me.

Wala pa atang thirty minutes noong nagsimula kami pero nakailang canned beer na si Che. Plano niya atang ubusin lahat nung beer. Ganoon na ata talaga siya ka broken sa pangre-reject sa kaniya ni Sir Lincoln. I can't blame her, ako nga nasasaktan dahil lang sa hindi ako pinansin ni Ryle... Siya pa kayang na reject ng gusto niya.

Never Have Love At All (Las Mujeres Fuertes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon