Chapter 39 - Lollipop

1.9K 125 8
                                    

Chapter 39 - Lollipop



Pagkatapos namin ni Lolo na mag luto inayos kona ang lamesa, tinapon kona sa basurahan yung mga balat at pinunasan yung lamesa.

Hindi ko pinahaba ang usapan namin ni Lolo kanina dahil kung totoong si mama nga ang pinupuntahan ni Lolo nitong mga nakaraan, hindi nako interesado don.

Pero kung tama nga ang hinala ko na si mama nga talaga ang pinupuntahan ni Lolo, bakit? Wala naman akong nakikitang dahilan para makipag kita si Lolo kay mama.

Wala nga ba? Hindi ko alam pero kinakabahan ako, wag naman sanang tama ang hinala ko ayokong mag tanong ng mag tanong kay Lolo ayokong itanong sa kanya kung tama ba ang hinala ko dahil totoo ang sinabi ni Lolo na hindi ko naman talaga gugustuhing malaman.

Pero malakas ang kutob ko na si mama nga dahil bukod kay mama sya lang naman talaga ang ayaw na ayaw ko na nababangit ng kahit sino.

Alam kong ang sama pakinggan pero dahil galit talaga ako sa mama ko hindi nako nag tanong ng nag tanong pa kay Lolo.

Ayaw ko din may malaman pa tungkol kay mama ngayon, ayos nako.

Nag buntong hininga ako tsaka umalis sa pag kakasandal sa lamesa, kumuha ako ng baso at sinalinan ng tubig bago uminom.

Naninikip ang dibdib ko at ayako ng ganitong pakiramdam, sa twing naalala ko nalang si mama, galit ako sa kanya dahil sa pang iiwan nya sakin, samin, pero aminin man o hindi miss na miss ko nadin si mama.

Pagkatapos ni Lolo na ipag luto kami nag sabi sya sakin na aalis daw ulit sya, ngumiti nalang ako at tumango sinabi ko nalang din na tawagan ako kapag nag ka problema. Simabihan nalang din ako ni Lolo na kalag nag ka problema din dito tawagan ko sya.

Muli akong napabuga ng hangin bago nag lakad palabas ng kusina tsaka pumunta sa kwarto, maliligo muna ako tss.

Pag pasok ko ng kwarto napangiti nalang ako ng makita si Dwayne na yakap ang unan ko habang nakadapa, nakadapa syang matulog, pikit na pikit padin ang mga mata nya halatang antok na antok talaga.

Nakangiti akong napailing bago kinuha ang towel ko, nag hanap din muna ako ng susuotin ko bago nab deretso sa CR.

Mabilis lang din akong natapos sa pag ligo, naka damit nako pag labas ko ng CR syemore ayaw ko maulot yung nangayri nung isang araw kahit tulog si Dwayne hahah.

Short at sando lang ang sinuot ko dito lang din naman sa condo tsala mainit, nakapulupot pa ang towel sa buhok ko dahil natulo pa, umupo muna ako sa harap ng salamin tinanggal kona ang towel sa buhok ko at nag blower, pagkatapos ko don ay nag lotion nako bago tumayo tsaka lumabas ng kwarto.

Mag aalas tres na tulog padin si Dwayne pero hinayaan ko lang muna syang matulog alam ko naman na puyat talaga sya.

Pumunta muna ulit ako sa kusina para iniit yung niluto namin ni Lolo naguhutom ako inez.

Habang nakaharap ako sa stove at inaantay yung iniit ko naramdaman ko nalang na may yumakap mula sa likod ko binaon nya ang mukha nya sa leeg ko dahilan para makiliti ako.

"Ang bango mo" sabi nya habang nakabaon parin ang mukha sa leeg ko.

Pinatay ko ang stove bago humarap kay Dwayne.

Medyo basa ang mukha nya halatang nag hilamos.

"Buti gising kana haha kamusta tulog?" Tanong ko sa kanya.

Kumalas sya sa pag kakayakap sakin bago sumandal din sa sink.

"Dapat ginising moko nakakahiya kay Lolo amp sabi ko ako mag luluto eh"

Stupidly In Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon