Chapter 48 - Kiss

1.9K 111 21
                                    

Chapter 48 - kiss


MAAGA akong nagising kinabukasan dahil ang aga din ni Emil.

Palagi syang nandito twing umaga simula ng umalis si Dwayne para sunduin ako lagi kong sinasabi sa kanya na kaya ko naman ang sarili ko pero ang sinasagot nya lamg "Bilang kaibigan" wala nadin akong magawa kundi ang hayaan sya.

Sa totoo lang hindi ko naman sya iniiwasan dahil gusto nya'ko, hindi ko lang talaga kayang mag entertain ng mga tao hanggang ngayon kahit nga si Amber, nahihiya ako kay Emil sa totoo lang minsan mag k-kwento sya ng masaya pero wala akong maintindihan dahil nakatulala lang ako nag so-sorry nalang ako kapag ganon pero sya tatawa lang tapos ngingiti tapos guguluhin ang buhok ko minsan pa ipag papatuloy nya ang pag k-kwento at sasabihin na okay lang kahit hindi ako makinig basta mag k-kwento lang daw sya nakakatuwa sa totoo lang, ang gaan sa pakiramdam.

Pag katapos kong mag sapatos ay kinuha ko ang suklay tsaka bag ko bago lumabas ng kwarto, dumeretso ako sa kusina at nakita ki don si Lolo at Emil nag k-kwentuhan.

"Good morning Lo" bati ko kay Lolo at hinalikan sya sa pisgi bago ako umupo sa tabi ni Emil timingnan ko sya saglit at ngumiti lamg nginitian nya lang din ako.

"Kumain kana" sabi nya.

Tumingin ako kay lolo ng tumayo sya.

"Aalis na'ko mga apo maiwan ko muna kayo may pupuntahan ako i lock nalang ang pinto maliwanag?" Tumango ako kay lolo.

"Ingat lo" ngumiti ako kay lolo, lumapit naman si lolo sa'kin at hinalikan ako sa ulo.

"Bye lo" sabi ni Emil.

"Tawagan nalang ako kapag may problema" ngumiti ulit si lolo bago tumalikod nakatingin lang ako kay lolo hanggang sa makalabas si lolo ng pinto, tsaka lang ako tumingin kay Emil na ngayon ay nakahalumbaba habang nakatingin sakin nakangiti pa ang loko, inirapan ko lang sya tsaka kumuha ng plato at nag salin ng pagkain.

"Ikaw ba kumain na?" Tanong ko sa kanya, sumubo ako ng isang kutsarang pagkain bago ulit humarap sa kanya.

"Busog na'ko" nakangiting sabi nya habang nakatingin parin sakin, agad ko syang pinandilatan ng mata pero tumawa lang sya.

"Kumain ako bago pumunta dito" ahh, tumango tango ako.

"Pero kumain ka padin wag mo'kong titigan habang nakain naiilang ako" sabi ko ng isang kutsarang kanin nalang ang isusubo ko.

"Hahaha inom na tubig tas tara na?" Inabutan nya'ko ng tubig na agad ko namang ininom.

Pag katapos ay tumayo ako para ilagay ang pinag kainan ko sa labo at hinugasan yon sandali, nag punas muna ako ng kamay tsaka kinuha ang cellphone kay Emil ng mag ring 'yon.

"Si Amber tumatawag" sabi nya tumango lang ako bago tumalikod tsaka sinagot ang tawag.

"Ano?" Tanong ko.

"Bruha baka ma late ako ha? Andami kasing kemeneng neto si Asher"

"Ahh okay ingats, pero siguraduhin nyo lang na makaka attend kayo sa mga class ah? Pag hindi parehas ko kayong babatukan" tumawa sya sa kabilang linya.

"Oo hindi ko lang kasi alam kung anong pakulo neto hindi din naman ako makatanggi wala akong magawa, sige bye na ingat kayo ay nandyan ba ulit si Emil?" Tanong nya.

"Yep" I answered shortly.

"Ah mabuti ingatsss bye na pala nandito na si ulaga hahah" tumawa sya bago pinatay ang tawag.

Napangiti nalang ako baho nilagay ang cellphone sa bulsa ko.

Speed naman pala Asher.

"Ano daw?" Tanong ni Emil.

Stupidly In Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon