Chapter 28 - His lolo

3.2K 169 51
                                    

Chapter 28 - His Lolo



KIESHA BEATRIXE ANDES

"Hiwalayan mo ang apo ko"

"Hiwalayan mo ang apo ko"

"Hiwalayan mo ang apo ko"

"Hiwalayan mo ang apo ko"

"Hiwalayan mo ang apo ko"

Paulit-ulit na nag echo ang mga salitang yon sa utak ko, pakiramdam ko ay nalagutan ako ng hininga dahil hindi ako makahinga dahil sa bigat ng dibdib ko.

Ilang beses akong lumunok, pati ang gilid ng mata ko ay pakiramdam ko nanunubig.

Hiwalayan? Agad agad? Hindi pa nga kami hindi kopa nga nakukumpirma kung totoo batong nararamdaman ko, hiwalay agad?

Saktong pagtingin ko ng deretso kay Lolo (dad) ay ang pag tulo ng isang butil ng luha ko, pag tingin nya din sakin ay tumawa sya gulong gulo naman akong napatingin sa kanya lalo.

"Nag bibiro lang ako hija pasensya" tapos tumawa si Lolo, ako naman parang batang pinunasan yung mata ko.

Hindi magandang biro yon! Huhu!

"K-kasi naman ihh" parang batang sabi ko pa.

"Haha you really love him do you?" Hindi ako nakasagot sa tanong nayon.

Hindi kopa kumpirmado kung may gusto talaga ako kay Dwayne, mahal agad?

P-pero pano kung kaya dahil hindi ko makumpirma na gusto ko nga sya dahil mahal ko na nga sya?

HINDI HINDI ganon! Naguguluhan lang siguro ako.

Hindi impossible naman yon, siguro gusto ko sya oo? Pero mahal hindi hindi talagaa! Hindi naman ganon kadali yon diba?

"Wag kang mag alala hija hindi kona uulitin ang pagkakamali ko noon" ngumiti si Lolo. Nanatili lang ako nakatingin sa kanya at hindi nag sasalita hindi padin ako nakakamove on sa pang jo-joke sakin kanina ni Lolo.

Pero ngayon hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Lolo, pag kakamali noon?

Madami ang pumapasok sa isip ko pero isa lang ang gusto konh linawin, pagkakamali noon?

Ayaw ko magisip ng kung ano ano pero? Si Lolo (dad) kaya ang may dahilan kung bakit? Nag hiwalay si Dwayne at yung Ex nya noon?

Napailing nalang ako sa naisip.

"Mali ka ng iniisip hija" napatingin ako kay Lolo dahil sa simabi nya, parang naisip nyadjn ang naiisip ko.

"Hindi kay Dwayne at sa nobya nya dati, hindi doon ang pag kakamali ko, dahil nga ayaw kong ulitin yon at wala naman akong dahilan para hadlangan si Dwayne, masaya ako na nakikita ko ang apo ko na masaya" ngumiti si Lolo.

"Ang pagkakamali ko ay kay Declan dahil hinadlangan ko sila ni Neveah noon, yon ang naging dahilan kung bakit lumayo ang loob sakin ni Declan noon pero may dahilan kung bakit ko sila hinadlangan" nanatili lang akong nakikinig kay Lolo kahit hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Lolo.

Hindi ko din alam kung baiit sinasabi sakin to ni Lolo, pero simbolo nadin ng pag respeto ay nanatili akong nakinig kay Lolo.

"Pero balik tayo kay Dwayne, alam mo bang ngayon ko lang ulit sya nakitang ngumiti yung ngiti na katulad nung ngiti nya noon? Yung saya nya parang lalong nadagdagan payon mas naging masaya sya ngayon" ngumiti si Lolo sakin.

"Dahil simula ng mag hiwalay sila ng nobya nya noon parang nawalan ng gana si Dwayne sa lahat parang naging itim nalang ang paligid nya, he smiled he laughed pero hindi yon tulad noong nandito pa ang nobya nya noon" nag salin si Lolo ng tubig tsaka ininom yon.

"Pero nito lang nabalitaan ko kay Nemesis na may nobya na daw si Dwayne nag punta ako dito para tingnan ang apo ko, tapos nakita ko si Dwayne masaya talaga sya at nasabi pa sakin ni Nem na lagi ka daw nakukwento ni Dwayne sa kanya"

Eh? Ako kinukwento ni Dwayne kay Nem?

"Wala akong nakita na dahilan para hadlangan kayo hija"

"Isa lang ang gusto kong malaman, magaling akong mag obserba, at alam mo ang na obserbahan ko ngayon hija?" Umayos si Lolo ng upo at maayos din na humarap sakin.

Nanatili akong nakatingin kay Lolo habang  nakikinig, kinakabahan.

Ngumiti sakin si lolo para bang sinasabi na hindi dapat ako kabahan.

"Una palang ay napansin ko na hindi totoo ang relasyon nyo" nanlaki ang mga matabko dahil don hindi din ako makagalaw pakiramdam ko namamawis ang buong katawan ko. "Manang mana talaga si Dwayne kay Declan, sa ganyan ko din alam na nag simula si Neveah at Declan, nakita ko na masaya sa kanya ang anak ko pero hinadlangan ko yon" hindi lalo ako nakapag salita, kinakabahan talaga ako sobra sobra ang kaba.

"Pero wala akong plano o balak na hadlangan kayo ngayon hija bukod sa wala naman akong dahilan  dahil badin nakikita ko kayong masaya at masaya din ako dahil nakikita ko ang dating saya ni Dwayne nadagdagan pa" nakangiti parin si lolo habang nakatingin sakin.

"Isa lang ang gusto kong mangyari hija" sumeryoso si Lolo ng upo kaya napalunok ako ng ulit ulit na naman. "Wag nyo sanang gawing laro ang lahat. Maging totoo sana kayo sa isa't isa"

Maging totoo sa isa't isa? Ganito din ang sabi ni Amber kanina, pero para saan yon? Totoo naman ako ah? Si Dwayne ang nakikita ko naman sa kanya totoo din sya.

"Ayaw kong masaktan nyo ang isa't isa"

"Alam mo ba ang nakikita ko sa mga mata nyo hija?" Unti unti akong umiling kay lolo dahil hindi ko alam ang isasagot at hindi ko nadin magawang makapag salita matapos sabihin sakin ni lolo ang mga yon.

"Pag mamahal...." Ngumiti ulit si Lolo sakin. "Pag mamahal ang nakikita ko sa mga mata nyo"

"Labas ako kung ano mang relasyon ang meron kayo ngayon hija pero pwede bang humingi ng pabor?"

Hinugot ko muna ang hininga bago sumagot.

"O-opo naman po a-ano po yon?" Mahinang tanong ko.

"Wag nyong sasaktan ang isa't isa, dahil sa nakikita ko sa inyo na masaya kayo tama ba?"

Dahan dahan akong ngumiti kay lolo at tumango.

"Kung ganon sa tingin ko ay magagawa ninyong pareho ang pabor nayon"

"Masaya ako para sa inyo hija. Sana lang talaga ay maging malinaw ang relasyon nyong dalawa" napangiti ako sa sinabi ni Lolo.

Naging magaan ang pakiramdam ko dahil sa pag uusap naming yon ni Lolo at para sakin naging malinaw na kung bakit na kwento sakin ni Lolo ang mga yon. Dahil ayaw nyang makita ulit na nasasaktan ang apo nya. Ganon ang dating sakin.

Kahit na hindi ako maka move on agad dahil sa pambibiro ni Lolo na 'Hiwalayan mo ang apo ko' ay natawa nalang din ako sa loob loob ko akala ko ay magagaya nako katulad dun sa mga nababasa kong bida.

Hindi ko din talaga mapaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon dahil kahit na alam ni Lolo ang tungkol samin ni Dwayne ay hinayaan nya na kami mismo ang umayos ng kung ano ba talaga ang amin.

Naging mas masaya ang gabing yon lalo na ng sabay sabau na bumalik sila Dwayne, napuno ng tawanan at kwentuhan ang gabing yon.

Hating gabi nadin ako ihatid ni Dwayne dahil napahaba ang kwentuhan namin ng pamilya nya, wala naman yon kay lolo dahil alam nya din na hindi ako pababayaan ni Dwayne lalo pa ng nabaggit ko na kakilala sya ni Lolo ang lolo ni Dwayne sa Mother side.

Ng gabi ding yon ay pinakiramdaman ko ang sarili ko.

Kung gusto ko ba sya talaga?

At nasagot ang tanong nayon.

I like him... At alam ko na dadating ang araw na hindi lang yon ang mararamdaman ko sa kanya.

At kapag dumating ang araw nayon...

Hindi ko pipigilan ang sarili ko na mahulog.








Stupidly In Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon