Chapter 85

1.5K 107 34
                                    


Chapter 85

Hindi ko agad kinausap si mama pag katapos ng ilang araw na nakalipas naintindihan naman nya 'yon sigurado ako.

Hindi din talaga ako iniwan ng mga kaibigan ko kahit si Ivy nag papabalik balik dito para lang makamusta ako. Si Amber minsan dito pa natutulog. Tapos sila Gino ay wala ding palya s apag papadala sa'kin ng kung ano anong gamit o pagkain natatawa nalang ako minsan tsk. At syempre si Dwayne na hindi talaga umalis sa tabi ko.

Kaya din talaga mas umayos na ang pakiramdam ko dahil sa kanila, pag uusap nalang namin ni mama ang kulang.

Once again I'm so lucky to have them all.

Si mama kahit ganon nakikita ko din talaga ang pag bawi nya kahit sa maliit na bagay, sya ang nag luluto ng umagahan para sa'kin at kahit ayaw ko malalaman ko nalang na pinag shopping nila ako, pumupunta din sya sa kwarto ko para lang tingnan ako.

Maayos nadin talaga ang samahan namin nina Dinna at Janna kahit pa may inggit talaga akong nararamdaman sa kanila, tanggap na namim ni Dinna na mag pinsan kami o siguro ako lang dahil matagal na nya akong tinggap kahit hindi nyapa alam na ako 'yon, bilang kinakapatid naman ni Janna we're good.

Ipinakilala nadin sa'kin ni mama ang asawa nya 'yung papa Gelo daw ayon pa nga kay tita Nev ay mag kakilala sila, small world. Pati ang asawa ni mama ay nararamdaman ko din ang gustong iparating gusto nilang bumawi sa'kin mukha naman syang mabait pero ayoko hindi ako tatanggap ng ibang tatay maliban kay papa.

Nag kwento pa nga si Dinna sa akin na nag pagawa daw sila mama at yung asawa nya ng bahay para sa'min do'n nadaw kami nina lolo titira sa iisang bahay wala naman akong pake do'n hindi ako aalis dito mas gusto ko dito. Simula kasi ng araw na iwan ako ni mama hindi na kami doon sa bahay tumira dahil bawat parte ng bahay ay naalala ko si mama at papa sobrang bata kopa non at hanggang ngayon masakit padin kapag naaalala ko 'yon kaya wala talaga akong balak mag bahay ayos na ako sa unit na'to.

"Kausapin mo si mama, Kiesha." Tumingin ako kay Dinna na naka harap sa stove nakatalikod sa'kin, kami lang kasi ngayon ang naiwan dito sa unit bumaba sila Raf at Dwayne papunta sa store may bibilhin lang daw.

Umiling naman ako sa kanya bago tinusok 'yung hotdog at kinain 'yon sya kasi ang nag luluto.

"Pinag bigyan na kita nitong mga nakaraan sa hindi mo pag kausap kay mama diba hindi kita pinilit? Pero tama na 'yon hindi lang naman ikaw ang nahihirapan dito Kish." Totoo 'yon hindi sya nag salita sa'kin nung ilang araw na hindi ko kinakausap pa si mama, hinayaan nya lang talaga ako hindi nya'ko pinilit kahit si Dwayne hindi din nag salita.

Napasinghal naman ako dahil sa sinabi nya. "Ilang taon syang nawala Dinna, iniwan nya lang ako lay Lolo tapos babalik na parang wala lang? now tell me, sabihin mong mas nahihirapan si mama."

Narinig ko naman syang nag buntong hininga bago humarap sa'kin at nag lakad dala dala ang platong may lamang fried chicken.

"Sige kwentuhan nalang kita." Umupo sya sa harapan ko bago ilagay ang friend chicken sa lamesa.

Hindi na'ko nag salita at hinintay nalang syang mag kwento, nag simula nadin akong kumain.

"Lagi kang kinukwento sa'kin ni mama or should I say tita--" I cut her off.

"Call her mama, do'n lahat sanay. Don't mind me." I said.

She smiled sweetly before she continued. "Halos araw araw ka nyang kinukwento sa'kin minsan pa ay napapa iyak sya, lagi nyang sinasabi na miss na miss kana nya pero wala syang magawa."padabog kong ininaba ang kutsara ko sa plato kaya nag dulot 'yon ng unting ingay.

Stupidly In Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon