Chapter 38 - Mama?

2.1K 127 18
                                    

Chapter 38 - Mama?


(A/N: wala ako maisip na kanta hahaha kaya ito nalang)

~Sa classroom may batas

Bawal labas, oh, bawal lumabas

Pero pag sinabing pag,

(Pero pag sinabing pag)

Nag comply ka---~

Hindi kona pinatapos ang ringtone nayon inis akong kinuha ang cellphone ko sa side table.

Kinginaa ang aga aga!!! Sino batong tumatawagg?!

Tsaka bakit ganito yung ringtone nito?!

Nag mulat lang ako sandali para tingnan ang oras 5:00 palang! Tsaka ako pumikit ulit at sinagot ang tawag.

"Babee! Good morning!"

Si DWAYNE!

"Kinginaa ka ikaw nag lagay ng ringtone nayonn? Pinalitan mopa talagaaa?!" Inis na sabi ko.

"Ah gagalet? Kagabi ko lang yan pinalitan babe, para magising ka agad effective naman diba?" Kahit hindi ko kita alm kong pataas pababa ang iilay nya.

Nang iinis talaga!

"Ano baket ka tumawag?" Bwsit padin na tanong ko.

"Ah wala manlang good morning?"

"Edi good morning ginising mokoo! Baket ka nga tumawagg?"

"Wala mag go-good morning lang"

Kainis alam naman nyang puyat ako tapos ang aga aga mambwisit.

"Okay" sabi ko tsaka inend na yung tawag, pinatay ko din ang cellphone ko bago binalik sa side table.

Napuyat kasi kami nila Amber kagabi sa sobrang dami naming napag usapan nila Ivy sobrang na kiss talaga namin ang isa't isa kaya hindi na kami nakatulog.

Basta alam ko lang madalinh araw na kami dinalaw ng antok mga 4:03 am tapos nagising nalang ako dito sa kama ko.

Wala din naman kaming pasok ngayon kaya walang problema.

Pumikit nalang ulit ako tsaka natulog.












Nagising nalang din ako dahil, ramdam ko na may humigpit sakin ng mahigpit.

Nag mulata ko sandali at nakita ko si Dwayne nakapikit sya, natutulog din? Kanina paba sya dito?

Nasan si Lolo? Bakit nakapasok to dito? Pang dalawang beses nato ah.

Hinayaan ko nalang sure naman ajong kayabpinapayagan ni Lolo si Dwayne dahil may tiwa sya kay Dwayne at ganon din ako  sa kanya.

Napangiti nalang ako bago dun sya niyakap, lalo ko pang siniksik ang sarili ko sa kanya tumaas ako ng kaunti at binaon ang mukha ko sa leeg nya.

"Mmm" mahinang ungol nya.

"Kanina kapa dito?" Malambing na tanong ko sa kanya, na guguilty tuloy ko binabaan ko sya ng cellphone kanina tapos pinatayan pa.

"Yeah" antok ba sabi nya tsaka lalo akong niyakap, hays naalala kong hindi lang kami ni Amber ang napuyat kagabi mag kakasama nga pala kami napuyat din sila kakaantay samin nina Amber nag shot lang sila tapoa gising din sila mag damag dagdag mopa yung hinatid nyako lalong late ja sya nakauwi non.

Tapos ang aga nyang nagising kanina para lang i good morning ako, ang salbahe ko binabaan ko pa sya.

"Kumain kana?" Tanong ko sa kanya.

"Nah" mahinang sabi nya.

Kumakas ako sa pag kakayakap sa kanya para bumangon sana perk ayaw nya akong bitawan.

"Dito ka muna babalik ako mag luluto ako" Ayaw nya paring kalasin angbpag kakayakap nya sakin kaya hinawakan ko ang kamay at unti unting kinalas sa pag kakayakap sakin, nakapikit padin sya.

"Hmmm"

"Tulog ka muna dyan, babalik ako" ngumiti ako sa kanya bago tumayo.

Tumingin ako sa wall clock at nanlaki ang mga mata ko.

Tangina! 12:59?!!

Ang tagal ko namang natulog at ibig sabihin ang tagal nading nandito ni Dwayne?

Umikot muna ako para pumunta sa CR tsaka ako nag hilamos at nag toothbrush.

Pag kalabas ko ay dumeretso agad ako sa kusina nakita ko si Lolo na nag luluto.

"Lo good morning po", bati ko kay lolo tsaka sya kiniss sa cheeks.

"Good morning buti nagising kana, si Dwayne?" Tanong ni Lolo.

"Nasa kwarto papo natutulog, bat hindi nyoko gisingg Lo? Anong oras na pala"

Ngumiti si Lolo sakin. "Kanina pa nandito si Dwayne apo sinabihan nyako na wag ka nga daw munang gisingin at puyat ka sya nalang daw ang mag luluto ng pagkain nyo pagkagising nyo pero mukhang parehas kayong puyat kaya pinag luto kona kayo" namula ako sa sinabi ni Lolo.

"Kinikilig ka Kiesha?"

Agad nanlaki ang mata ko bago sunod sunod na umiling tinakpan kopa ang mukha ko.

"H-hindi lo" tanggi ko.

"Ayiieee kinikiligg ang bebe namen" pang aasar sakin ni Lolo tsaka sya tumawa.

Napanguso nalang ako.

"Tulungan nalang kitang mag luto Lo, ano bang niluluto mo?" Tanong ko kay Lolo.

"Awiiee kinikiligg ka lang eh" lalo pang humaba ang nguso ko pero tumawa lang si Lolo. "Haha sige kunwari di ko nalang alam na kinikiligg ka" tapos tumawa na naman si Lolo.

"Lo naman eh" parang batang sabi ko.

"Haha. Sige tulungan nalang akong mag luto sinigang lutuin natin"

Inayos kona yung mga gagayatin ko tsaka ako umupo tapos nag simula ng nag gayat ng mga gulay.

Habang nag gagayat ako ng labanos napatingin ako kay Lolo nag gagauat din sya ng karne.

Ngayon ko lang ulit nakasama ng ganito si Lolo simula nung lagi syang umaalis hindi ko alam kung saan nag pupunta si Lolo at ngayon matatanong ko na si Lolo.

"Lo" tawag ko kay Lolo.

Tumingin naman sakin si Lolo bago ulot binalik sa pag gagayat ang mata nya.

"Bakit apo?" Tanong sakin ni Lolo.

Tinigil ko muna ang pag gagayat tsaka umayos ng upo paharap kay Lolo para mas matanong ko si Lolo.

"San kapo nqg pupunta nitong mga nakaraan? Lagi kang wala Lo ngayon nalang ulit tayo nakapag usap ng ganito lagi ka kasing pagod nitong mga nakaraan"  dahil sa sinabi ko tumigil si Lolo sa ginagawa nyang pag gagayat ng karne tsaka ako hinarap.

"Sigurado akong hindi mo gugustuhing malaman Kiesha kaya wag mo ng itanong ayos ba yon? Aayusin na natin to baka mamaya magising na ang nobyo " ngumiti si Lolo ngvpilit tsaka tinuloy ang ginagawa.

Kumunot ang noo ko.

"Lo mag tatanong po ba ako kung ayaw kong malaman?" Sarcastic na tanong ko kay Lolo.

Maya maya ay napangiti ako ng nakakaasar.

"Ay si Lolo may girlfriend ka no lo?" Nqng aasar na sabi ko.

Tumawa naman si Lolo. "Alam mong hinding hindi ko papalitan ang lola mo Apo" lalong lumapad ang ngiti ko.

Ang sweet.

"Pero san ka nga po galing lo?" Balik ko sa usapan.

Nag buntong hininga si Lolo bago sumandal sa sink paharap sakin.

"Kinikita ko ang taong ayaw na ayaw mong bimabanggit ko Kiesha" literal na natigilan ako dahil sa sinabing yon ni Lolo.

Ayaw na ayaw na binabanggit ko?

Si mama ba?







Stupidly In Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon