Avery's PoV
"Ulul!"sabi ko sakanya at pinitik yung noo niya
"What? I really like you Avery"ulit niya
"Ilike mo mukha mo! Wag mo nga kong pinagloloko kase wala akong panahon makipaglokohan sayo"sabi ko sakanya at umalis na ng locker room
After that locker scene,bumalik na ko ka agad sa classroom
Discussions lang naganap tapos breaktime,buti nalang maraming turon yes!
Tas nung bumalik kami sa room,wala yung prof namin sa next subject kaya natulog nalang din muna ako kase nanghihina na talaga ako
Kulang ako sa tulog tas di pa ko naka kain kagabi bukod sa cup noodles na kinain ko tapos naulanan pa ko---nilalagnat parin ako pero kailangan ko makapag perform sa PE mamaya kaya pag titiisan ko nalang dibale hanggang 3 lang kami ngayon kase may meeting ulet ang teachers para sa Intrams
May halos isang oras din pala akong nakatulog,sakto naman na nung nagising ako eh dumating na yung prof namin at sinabihan kaming mag palit na
Kinuha ko na yung damit ko sa locker at nagpalit na
Nag loose crop top lang ako with sports bra sa loob syempre tas black leggings at rubber shoes
Dahil nga nakalugay ako kanina,minessy bun ko nalang yung buhok ko at dumiretso na sa gym
Ashton's PoV
Ano pa ba dapat kong gawin para maniwala kang gusto kita ha
Napa iling nalang ako sa tumatakbong thoughts sa utak ko
Damn she look so hot with messy bun
Sumunod ako sakanila na pumunta sa gym
Avery's PoV
Umupo kaming mga maglalaro sa bangko sa loob ng court at nakita ko naman si Ashton sa mismong likod ng inuupuan namin
"Ano bang ginagawa mo dito ha?? Bakit ka ba nandito? Diba tapos ka na kahapon?"tanong ko sa kupal na yun
"Bakit? Do you own this gym?"
"Hindi! Bakit may sinabi ba ako?"sagot ko sakanya
"Oh naman pala,Baka naman nahihiya kang makita ko na di ka makashoot jan sa ring HAHAHAHA"
"Ang kapal! Makaka shoot ako jan no"
"I'm gonna watch whether you like it or not"sabi niya at focus na sa panonood ng mga nagshu shoot
Susunod na ko,okay kaya ko to
Kahit na nanghihina na ako,at feeling ko anytime bibigay na yung katawan ko,nagshoot parin ako para sa grades...aba ayaw kong mabokya no
Kailangan kase 5 na shoot ang kailangan at mukhang nakisama naman ata sakin ang tadhana ngayon kase tuloy tuloy yung shoot ko
Nung natapos na ako,dumiretso na ko sa locker room ng girls para magpalit sana kahit na di naman ako pinawisan kase nga diba nilalagnat ako
Nakalimutan ko yung uniform ko sa bag sa classroom kaya lumabas ako para balikan yun
Pag labas ko ng locker room,nakita ko si Ashton na nakasandal sa labas habang nasa bulsa ang dalawang kamay
Ano nanaman kayang trip neto
Lalampasan ko lang sana sya pero nahigit niya yung kamay ko kaya nagkaharap kami
"Wait lang Avery, hear me out please"
At dahil wala akong lakas makipag away sakanya ngayon,nakinig ako sa sasabihin niya

BINABASA MO ANG
Nostalgic Hiatus
Teen FictionThis story is all about an orphan who was luckily adopted and was given an ideal life she deserves.Everything seems so right not until she'll meet the Campus Hearthrob slash Playboy slash Heartbreaker.Unexpectedly, as they go through their senior ye...