Chapter 38

13 0 0
                                    

Avery's PoV

*knock* *knock*

"Mommy? Gising ka pa ba?"

Binuksan ko yung pinto nung walang sumagot

Narinig ko naman ang lagaslas ng tubig mula sa shower

Ah baka naliligo pa si mommy

Hinintay ko nalang siyang matapos, naka upo ako ngayon dito sa higaan niya ng biglang umilaw ang phone niya

'di ko maopen kase may face ID at 'di ko alam ang password pero nakita ko sa notif sa lockscreen yung text

From Tyler:
Maghanda ka na dahil malapit na niyang malaman ang totoo

"Ano 'yan Vien?"sabi ni mommy habang pinupunasan ang buhok niya

"May nagtext po"

"Sino daw?"

"Tyler"pagkasabi ko ng pangalan na yun eh inagaw agad ni mommy saken ang phone niya

"Sino po ba yan?"tanong ko

"Sa courier yan"

"Eh ano po yung sinabi niya na humanda ka daw dahil malapit ng malaman"

"Pina imbestigahan ko kase yung pag ship ng items natin abroad at hanggang ngayon 'di parin nakakarating doon, baka malapit ng malaman kung bakit nadedelay ang shipment ng parcel"

"Ah okay po"

"What brings you here? 'di ka man lang kumatok"

"Kumatok po ko pero wala pong nagbubukas kaya pumasok na po ako, gusto lang po sana kita maka usap"

"Huh? About what?"para namang natetense siya, di ko alam kung guni guni ko lang yun

"Gusto ko lang po sana magsorry"

"Ah okay, I see...kala ko naman kung ano na"

"Sorry po sa actions ko these past few days, mali po ako"

"Okay lang 'yon, I understand. I'm so sorry rin kase nabulyawan kita. I'm just so stressed that time so I freaked out,I'm so sorry anak"sabi niya at niyakap ako

"Sorry mommy, 'di na po ako tatakas ulet"

"It's okay basta 'wag na mauulit at 'wag ka na ulet sasama sa 'di mo kilala baka mamaya ano pa mangyari sayo"

"Mabait naman po yung mama kanina"

"Do you know him?"

"Hindi po"

"See, you don't even know him how sure are you na mabait nga talaga siya?"

"Btw, you're birthday is in 3 days and naka set na ako ng venue, may organizers na rin kaya 'di ka na makaka tanggi"

"May choice ba ako? HAHAHA"

"The designer will be here tomorrow para sukatan ka, ano bang gusto mong theme?"

...........

Nag usap lang kami ni mommy para sa mangyayari sa debut ko that night

"Oy teh! Okay ka na?"sabi ni Raine saken

"Kaloka to 'di daw ba mamansin"sabi pa ni Brianna

Nasa gym kami kase nag papractice sila Ash para sa Championship ng basketball

Oo nga pala 'di ko nasabi, may varsity meet bukas at makakalaban nila ang El Luxurious Private School

Sabi nila malakas din daw ang team nila doon kaya todo practice ang mga representatives ng SouthView

Maaga ang dimissal namin ngayon kase meeting ng staffs at para na rin makapag practice ang players

Grabe hindi ko akalain na ilang buwan na akong nandito sa SouthView

Halos mangangalahating taon na ako dito

Parang kelan lang nung puro kamalasan ang nangyayari saken dito, then I met strangers that turned to solid bestfriends at 'di ko rin aakalain na magiging masaya ang pagtransfer ko dito

"Yikes! Kadiri to!"sabi ko kay Ash at tinutulak siya palayo

Yakapin daw ba naman ako,pawis na pawis siya ang lagkit errr---

"WAHAHAHAHA arte arte pa gusto din naman!"

"Ayyy apir tayo jan! WAHAHAHAHAHA"sabi ni Ash sakanya

"Che! 'wag mo kong igaya sainyo ni Josh no!"

"Guys! Open na yung eat all you can sa town!"sabi ni Aevhan samin

''Manlilibre ka tol?"biro ni Josh

"Yan manlilibre? Mangarap kayo! Magtaxi nga labag pa sa kalooban niya''sabi naman ni Brianna

After namin silang hintayin magshower at magpalit, pumunta na kami sa Xyvery's Kitchen

"Oh, kayo naman ata may ari nito Avery HAHAHAHA"

Pumasok na kami, nauna na silang naghanap ng table at ako yung inutusan nila na magbigay ng mga bayad nila oh diba shuta

Si Ash pinapark pa yung sasakyan niya, punuan kase opening ngayon kaya maraming tao at walang mapag parkan

"Uy teka, kilala po kita! Ikaw yung mama sa village!"

"HAHAHAHA ako nga iha, natatandaan mo pa pala ako"

"Oo naman po! Hinding hindi po kita malilimutan, naks naman may restaurant ka na po!"

"Ah oo ilang taon na rin kase akong nagbebenta at minsan may raket raket naman kaya naka ipon din kahit papano kaya naisipan ko na palaguin yung ipon ko kaya eto"

"Nakooo ayos po yan! Proud po ako sainyo! Ehem baka naman po may discount"

"HAHAHAHA libre lahat ngayon kase grand opening,pero bawal mag take out HAHAHA"

"Ah ganon po ba? Sige po punta na po ako sa table namin, salamat po ulet"

"Oh ang tagal mo naman ata baks!"

"Medyo napahaba ang kwentuhan namin ng may ari, oh mga pera niyo"

"Hala ka kinindatan mo ba yung may ari kaya libre?"

"Gaga! Kilala ko yung may ari kase lagi siya sa subdi tsaka grand opening daw ngayon kaya libre, pero bawal ang take out"

Maya maya pa umupo na si Ash sa tabi ko

"Ay sayang nagdala pa ko tupperware"biro niya HAHAHAHAHA

Maluwang din tong establishment at may tables pa sa taas

Gaya lang din ng sa samgyup resto, may lutuan din sa gitna na built in pero ang kaibahan lang, may electric griller din tapos may parang salamin sa gilid na lagayan ng mga pagkain na pwede mong iihaw,meron din naman yung mga luto na

Sulit na sulit talaga ang 299 mo dito, pero since grand opening ngayon, nalibre nanaman kami HAHAHAHAHA

"So anong plano mo teh?"

"Malapit na birthday mo"sabi ni Ash sabay subo saken ng barbeque

"Syempre invited ako diba?"sabi naman ni Raine

"Hindi ka daw invited kase baka magsharon ka daw ng igado at shanghai WAHAHAHAHAHA"sabi ni Josh

Jusmiyo tong dalawang to lagi nalang nagbabangayan HAHAHAHAHA

"So saan ba ang venue?"

"Ang alam ko sa resort namin kase nagbook na si tita dun sa event hall namin"sabi ni Brianna

Oo nga pala Resort-Hotel ang business nila

"Actually 'di ko pa nga alam na doon ang venue HAHAHAHA tsaka kakasukat lang saken nung nakaraan, uy punta kayo ha!"sabi ko

Natapos ang araw ko ng masaya

Totoo nga yung sabi ni kuyang nagbebenta ng popcorn na ngayon may ari na ng restaurant

I am truly blessed kase 'di ako nag iisa, kahit na wala akong daddy, may mommy ako, maraming totoong kaibigan...in short,maraming nagmamahal saken

And I should be thankful for that...

Nostalgic HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon