Avery's PoV
After namin kumain eh umuwi na kami kase gabi na rin tsaka ngayon idedeliver yung gown ko at tsaka mga invitations
Dalawang araw nalang legal age na ako, hayst hello real world
"Psst, tulog ka na?"
"Hindi pa, why? Ikaw ba't gising ka pa? May game ka pa bukas"
"'di ako makatulog eh HAHAHAHA"
"Gaga edi ipikit mo mga mata mo"
"Ganto ba?"sabi niya at nagsend ng picture niya na nakapikit, leche bakit ganon? ang kapal ng pilikmata niya tapos ang haba pa ba't saken hindi, unfairrrrr
"Heh! Tigil tigilan mo nga ako Mr.Zhao!"
"WAHAHAHAHAHA oh bakit po Ms.Brett soon to be Zhao"
"Hayeop! Dis oras na ng gabi nagpapakilig ka nanaman!"
"Sige na, tulog ka na rin I know you're tired kase medyo busy ka sa debut mo and stuffs sa school, sleep tight"
"Hindi ba dapat sinasabi mo yan sa sarili mo? Busy ka sa basketball, tapos araw araw ka pang tutok saken,you must be tired"
"I will never get tired when it comes to you because you always give me reason not to be...Tulog na,matutulog na rin ako ...goodnight,I love you"
"Goodnight din! I love myself too HAHAHAHA"
"Edi wew HAHAHAHA sige na"
Binigyan ko muna ng inumin si Bella saka ako natulog
Laine's PoV
Maaga akong umalis ng bahay para icheck ang venue at mag taste test ng mga kakainin para bukas
Dito sa Batangas kase ang napili kong venue, kila Brianna itong resort na 'to kaya malaki laki rin ang discount pero di ko naman tinitipid ang unica hija ko
"Uhm Ms. Anong Catering to? I like their baked sushi,paki lagay to sa list"
"Xavery Restaurant maam, noted po!"
Tatlong catering ang hinire ko para iba ibang food ang maseserve sa mga bisita
Pinili ko rin na dito sa Batangas para malayo sa kung sino man ang may balak gumulo lalo na't nang gagambala ang lalaking yun
Avery's PoV
"Manong si mommy po?"tanong ko habang inii start niya ang kotse
"Ah maam maaga po umalis, pumuntang Batangas, magkita kita nalang daw po tayo doon bukas"
"Ay ganon ba? Osige, 'wag kayo mawawala bukas kuya ha"
"Oo naman maam! Naka ready na ang americana ko"
HAHAHAHHAA si kuya talaga oh
Susunduin dapat ako ni Ash dito sa bahay pero sabi ko 'wag na kase sayang lang oras nila kapag susunduin pa niya ako. Nung una nagpupumilit pa pero wala na rin siyang nagawa kase maaga din dumating ang coach nila
Free ang araw na to sa mga students para makanood ng game
Sa school namin gaganapin ang championship
"Ma'am tawag ka nalang po mamaya kung magpapasundo ka"
"O sige kuya, salamat po"sabi ko at bumaba na ng kotse
Allowed kaming mag ordinary ngayon kase wala namang klase
Naka black leggings ako tapos white sleeveless (spaghetti strap)na croptop top then denim jacket at white shoes
Pero kahit na walang klase,required kaming mag ID kase bawal ang outsider, dapat taga Luxurious lang or SouthView ang makakapasok sa loob
![](https://img.wattpad.com/cover/233862058-288-k335913.jpg)
BINABASA MO ANG
Nostalgic Hiatus
Fiksi RemajaThis story is all about an orphan who was luckily adopted and was given an ideal life she deserves.Everything seems so right not until she'll meet the Campus Hearthrob slash Playboy slash Heartbreaker.Unexpectedly, as they go through their senior ye...