Avery's PoV
"IKAW?!?!!"
"Ang laki laki mo nang bata ka!"
"Kuya naman 'di mo naman sinabi agad, nasigawan pa tuloy kita"
"Parang kelan lang nung pinapatahan kita ah, siningahan mo pa yung damit ko non"
"Kuya! Matagal na yun okay???"
Finally! Nagkita ulit kami. Ang liit nga naman ng mundo no
Siya yung lalake na nagbigay ng lollipop saken dati at pinatahan ako sa kakaiyak kase nadapa ako nung bata ako
Siya yung may kapatid na adopted at sila ang may ari ng orphanage, kala ko ordinaryong orphanage lang pero don pala ako iniwan
"Ano po palang ginagawa niyo dito sa Batangas?"
"Pinasundan kase ni mommy yung bunsong kapatid ko, umattend kase siya ng event dito kagabi"
Ah may nakasabay pala akong event kagabi. Grabe iba talaga tong resort nila Brianna, ilan kaya function hall ng resort nila
"Avery!"tawag ni Ash kasama si mommy habang papalapit saken
Sakto naman na natapos na rin yung pag uusap ni daddy at nung ka call niya kaya nandito na siya ulet
I don't know why my fist closed when I see mommy. Siguro pinipigilan ko yung sarili ko sa kung ano man magagawa ko. Still, I remained calm at nginitian sila
"Hey! Wazzup bro! Why are you here?"
"Pinasundan ka ni mommy baka daw nagsisinungaling ka at mamaya iba daw ang pinuntahan mo"
"ANOOO??? MAGKAKILALA KAYO???"sabi ko
Natawa lang sila sa reaction ko
"Mommy, This is the owner of the catering from yesterday, Tyler"painosenteng pagpapakilala ko kay sakanila
"Oh n-nice t-to meet you Tyler! The food was great! Btw,d-did y-you go out t-together?"natetense na sabi ni mommy
"Yes, c'mon mom! I know you know him"
"Oh yeah, he's the owner of the catering just like what you've said"
"Siya yung sinasabi nila Raine na pinuntahan mo raw para makapag usap kayo, so you already know the truth oreo?!?!!!"tuwang tuwa na sabi ni Ash
Tinignan siya ni mommy kaya napayuko siya
"Yes I already know the truth.The truth untold for 18 fvckin' years"nang gigigil na sabi ko
"Huh? W-what d-do you mean you k-know the t-truth?"nanginginig na sabi ni mommy
"'wag ka na mag sinungaling mommy! Alam ko na yung totoo! Hindi taga courier yung tumatawag sayo gabi gabi! Hindi patay ang daddy ko! Daddy ko siya! At kwinento na niya lahat! Pati yung pag iwan mo saken sa bahay ampunan! Grabe mommy ha!"tuloy tuloy na sabi ko
She's starting to cry...
"'wag dito Xyielvien, mag usap tayo sa hotel"sabi niya at hinawakan ang braso ko pero tinanggal ko ang pagkakahawak niya doon at hinarap siya
"Bakit mommy?!?!! Nahihiya ka ba na malaman ng mga tao na ang sikat na si Xherlaine Brett ay pinabayaan ang anak para maabot ang pinapangarap, para sa pera! O nahihiya ka sa sarili mo?!!!"sigaw ko sakanya
Wala na akong pake alam
*Pak!*
"Sige mommy! Saktan mo ako! Oh eto pang kabila sampalin mo na rin! Jan ka naman magaling diba?!!! Manakit ng mga tao!"sigaw ko sakanya
"Tama na yan anak"sabi ni daddy at nilalayo ako kay mommy
"I-I'm s-so sorry anak"sabi niya at umiyak na lumuhod sa harap ko
"Sorry??!!! Ilang taon akong nangungulila, ilang taon mo akong pinaniwala sa mga kasinungalingan mo tapos sorry?!!!"
"That's enough Oreo"sabi ni Ash
"Oreo? 'wag mong sabihing may rebelasyon ka din na ikaw si Moshi??"
"Yes I am baby"
"Eh mga gago pala kayo eh! Alam niyo palang lahat ang totoo tapos hindi niyo sinabi saken ? Tinago niyo?!!! Hindi niyo alam kung gaano kasakit! Durog na durog na yung puso ko! Mga leche kayo! Sinungaling! I can't believe you! Lalong lalo na ikaw Xherlaine!"sabi ko at nagsimula ng maglakad
"Avery!"tawag nila saken
"Wag niyo akong ma Avery Avery! Wala akong kilalang mga sinungaling!"huling sigaw ko sakanila........
*Boooogsshhhh*
*Peep! Peep! Peep!*
"Yung babae!"
"Jusko yung babae!"
*ambulance's siren*
"Hold on anak, nandito na si daddy"that were the last words I heard bago tuluyang pumikit ang mga mata ko
Ashton's PoV
"Avery!" I rushed towards her when I saw her lying on the roadDuguan sa bandang noo at walang malay
Nabangga siya ng isang sasakyan kase bigla nalang siyang tumawid
Sising sisi ako sa sarili ko dahil wala akong ginawa para kumbinsihin si tita na sabihin na ang totoo
Hindi ko pwedeng sabihin kase wala akong karapatan para sabihin yung bagay na yun sakanya so I kept it
Kung alam ko lang na dito pupunta ang lahat sana ako nalang mismo nagsabi
"Kuya naman! Bilisan mo naman magpatakbo!"sigaw ko sa driver ng ambulansya
Si tito lang ang kasama ko dito sa ambulansya.Si kuya na ang maghahatid kay tita sa ospital kase shocked parin siya sa nangyari
Naka oxygen si Avery at pinupump ng nurse ang bag valve mask na nagsusupport sa paghinga niya. Salamat sa Diyos dahil may pulso pa siya nung dumating ang ambulansya
Nung makarating kami ng ER, sumalubong na ang mga nurses at doctors at chineck na siya
Sinabi na kailangan siyang dalhin sa operating room para matahi na yung open wound sa noo niya at ipupunta din siya sa Neuro para macheck kung may internal bleeding ba.
After how many hours na pagchecheck sakanya lumabas na ang doctor mula sa operating room
"Where is the family of Ms. Avery?"
"Dito po doc"sabi ng daddy niya
Lumapit na yung doctor samin
"Kamusta na po siya doc? Okay na po ba siya?"sunod sunod na tanong ko
"We already stitched her wound and so far wala namang internal bleeding or hemorrhage na nangyari sakanya but she's not stable yet kaya 'di pa siya nagigising. Pero once na ma gain na niya ang consciousness niya ay magigising na siya"
"Pwede na po ba siyang puntahan doc?"sabi ni tito
"Ililipat na rin naman po siya sa private room. Hinihintay nalang po yung mga papers niya para malipat na siya doon. Excuse me sir"sabi niya at umalis na
Buti nalang mabilis namin siyang naitakbo dito sa pinakamalapit na ospital dito sa Batangas. After ilang saglit, dumating na si kuya at si tita Laine
"How's Avery? Okay na ba siya? Nasaan ang anak ko?"di mapakaling sabi ni tita
"She's okay, pero di pa nagigising kase wala paring malay. Hinihintay nalang na malipat siya sa kwarto niya"casual na sabi ni tito
"Avery! Mommy's here!"
"Ah excuse me po maam, lipat lang po namin yung pasyente"
Awang awa ako sa itsura ng girlfriend ko. May oxygen na nakakabit sakanya.May cardiac monitor din tapos may nakatusok pa na dextrose.May bandage din sa bandang noo niya.
Hindi ko na inisip pa kung anong mangyayari samin oras na magising siya. Kung magagalit man siya,tatanggapin ko yung galit niya kase deserve ko yun. Deserve ko yun kase nilihim ko sakanya ang tunay na pagkatao niya. Kasalanan ko rin yun hindi lang ang mommy niya.

BINABASA MO ANG
Nostalgic Hiatus
Fiksi RemajaThis story is all about an orphan who was luckily adopted and was given an ideal life she deserves.Everything seems so right not until she'll meet the Campus Hearthrob slash Playboy slash Heartbreaker.Unexpectedly, as they go through their senior ye...