Chapter 44

11 0 0
                                    

Someone's PoV

'di ko na kayang magpanggap. Sorry Xherlaine pero 'di na kinakaya ng puso ko

Wala akong kasiguraduhan sa mangyayari pero gusto ko ng sabihin ang totoo

Nakakatanga ng magtago sa kung sino sinong tao lalo na kay Avery. Hindi ko na kinakaya 'to.

Avery's PoV
Maaga ako umalis ng hotel para pumunta ng coffee library

Nagpa alam naman ako sa mga kaibigan ko. Nung una gusto pa nila sumama pero sabi ko 'wag na at enjoyin nalang nila ang stay dito since babalik na kami mamayang gabi sa Manila

Nakita ko naman siya kaagad kaya lumapit na ako sa table kung nasan siya

"Goodmorning po!"bati ko sakanya at umupo sa upuan na nasa harapan niya

"Magandang umaga rin Avery"bati niya at nilapag ang dyaryong binabasa niya kanina

"Tungkol san nga po pala ang pag uusapan natin?"

"Wala ka bang gustong kainin? Baka may gusto kang orderin"sabi niya at inabot saken ang menu

"Ay nako salamat po! Bakit po napaka bait niyo saken?"sabi ko at nginitian siya

"HAHAHAHAHA 'wag mong isipin 'yon , sige na mag order ka na ng masabi ko ang dapat kong sabihin"

Nag order na ako at nung nabigay na yung frappe ko ay nagsimula na kaming mag usap

"Nanay mo si Xherlaine Brett tama ba ko?"

"Ah opo, ganun na po ba talaga kasikat yung nanay ko at halos lahat kilala siya HAHAHAHAHA"

"Magkakilala na kami bago pa siya sumikat"

"Ah, so close po kayo ni mommy?"

"Sobra pa sa close, hindi ko alam kung paano ko sisimulan 'to o kung saan"

"Nako 'wag ka na po umasa kay mommy, wala pong oras sa lovelife yun. Stress na stress nga po siya lalo na ngayon maraming parcel ang delayed ang shipping tapos halos mapatay niya po yung tumatawag sakanya gabi gabi na courier"

"Gabi gabi? Anong pangalan ng courier ba?"

"'di ko po alam eh, baka yung manager po yung tumatawag kase pangalan lang po ang nag aappear. Tyler po ang nakalagay"

"Hindi sa courier yun Avery"

"Huh? Pano niyo po alam?"

"Nasan ang daddy mo?"

Lah baka mamaya serial killer pala tong mama na to ha pero napaka gwapong killer naman---mukha siyang taga ibang bansa na CEO eh yung itsura niya mga nasa 30+ lang pero mid 40s na daw siya

"Matagal na daw pong patay ang daddy ko sabi ni mommy saken"

"Alam mo ba ang pangalan?"

"Hindi po nababanggit ni mommy eh"sabi ko at uminom sa frappe ko

"Kilala mo ba ako hija?"seryosong tanong niya

"Kayo po yung naghatid saken noon sa bahay at kayo po yung may ari ng Xavery's...ang astig nga po eh parang pinaghalong pangalan  ko HAHAHAHA"lakas ko maka assume HAHAHAH

"Wala na akong pake kung hindi pa nasasabi ni Xherlaine sayo pero ako, ayaw kong habang buhay magtago. Tumatanda na rin ako at ayaw kong mamatay ng 'di mo ako nakikilala"

"Ano po ba ang 'di pa nasasabi ni mommy?"

Medyo kinakabahan na ako kase nagiging seryoso na ang tension dito

"Hindi courier ang tumatawag sa mommy mo gabi gabi, ako yun. Ako si Tyler"

"Bakit po parang galit na galit si mommy kapag may kausap siya sa cellphone?"

"Hindi ko rin alam, malaki ang galit niya saken. Na alala mo yung sinabi ko sayo sa park dati na may anak akong babae na halos kaedad mo?"

"Opo, yung nilayo po ng nanay niya sainyo"

"Ikaw yung anak na tinutukoy ko doon"

Hindi ko alam kung maniniwala ako kase I was shocked...Gulat ako sa mga nangyayari

"Siguro nga nagdududa ka"

"Patay na po ang daddy ko"sabi ko

"Hindi patay ang daddy mo. Andito siya ngayon sa harapan mo. Kung gusto mo ng patunay eto"sabi niya at pinakita ang driver's liscense niya at nakita kong nakalagay Tyler Brett

Hindi ko alam ang dapat maramdaman

"Iniwan ka ng mommy mo sa bahay ampunan, pagkapanganak mo"

Napahawak nalang ako sa bibig ko dahil sa narinig ko

Kaya pala wala akong matandaan na si mommy ang naghahatid saken sa daycare noon

"Pero bakit niya po yun ginawa? Hindi niya po ba ako mahal kaya pinamigay nalang niya ako?"sabi ko habang pinipigilan ang pagluha ko

"Hindi ko rin alam anak kung bakit ka niya iniwan doon"

"Kung daddy po kita, bakit 'di kayo okay ni mommy?Bakit lumaki ako na buong akala ko, patay na ang tatay ko?"

"Galit siya saken. Galit na galit siya dahil akala niya iniwan ko kayo. Maagang nabuntis ang mommy mo. Alam ko na mali kami sa puntong yun dahil lumampas kami sa mga limitasyon namin. Gagraduate palang kami ng kolehiyo noon nang malaman namin na pinagbubuntis ka ng mommy mo"

I don't know what to feel. Naiiyak ako kase bakit kailangan kong maranasan to? Bakit ngayon ko lang nalalaman 'tong mga 'to?

"Mahal na mahal ko si Xherlaine pati na ikaw. Gusto ko siyang panindigan pero dahil malaki ang expectation ng mga magulang ko sakin, nadismaya ko sila nang malaman nilang nakabuntis ako. Sinabihan nila akong hiwalayan si Xherlaine. Ayaw ko siyang iwan pero nung sabihin na nilang ipapa abort ka kung 'di ko siya hihiwalayan, iniwan ko siya para sa kapakanan mo. Kaya kahit na sobrang sakit sa akin, iniwan ko siya. Nagtiis ako ng labing walong taon para maligtas kayong dalawa"

Hindi ko na napigilan. Umiyak na ko. Ilang taon. 18 years na nangungilila ako sa pagmamahal ng isang ama. 18 years na akala kong patay na siya. 18 years ang nasayang para makasama siya. 18 years na nabuhay ako sa kasinungalingan. Bakit tinago saken 'to ni mommy? Naiiyak ako sa tuwa, sa galit...

"Nung malaman ko na iniwan ka ng mommy mo sa bahay ampunan, kinausap ko ang mga nag aalaga doon na alagaan ka ng mabuti, palakihin ng maayos. Gustuhin ko mang dalawin ka doon, hindi ko magawa kase pina ban ako doon ng mommy mo. Nung natanggap ang mommy mo sa pag momodel, nagtuloy tuloy yun kaya nakapag ipon siya at naka angat tapos binalikan ka sa bahay ampunan. Binabayaran niya ako para tumahimik at 'wag sabihin sayo ang totoo. Pero yung mga perang binibigay niya at hinihingi ko sakanya, pinalago ko kaya napatayo ko ang Xavery's"

Pinili niyang magtiyaga, magtiis sa hirap para sakin pero eto ang natatanggap niya. Pinagkakait sakanya ang anak niya.

"Pwede ka po bang mayakap? Daddy?"

Hindi ko na siya hinintay sumagot at niyakap ko siya

18 YEARS. NGAYON KO LANG NAHAGKAN ANG YAKAP NG ISANG AMA

Ngayon ko lang naranasan makulong sa bisig ng tatay ko. Eto na ang pinakamagandang regalong natanggap ko

"Napakasama ni mommy. Bakit siya ganon? Sarili lang niya ang iniisip niya"sabi ko

"Shhh 'wag mong sabihin yan. Mahal ka ng mommy mo at 'wag na 'wag kang magtatanim ng galit sakanya"sabi ni daddy at pinunasan ang luha sa mata ko

"'di ko matanggap na tinago niya ako, pinagkait niya ako"

"Tama na yan. Ang importante makakasama mo na ako, oh siya kailangan ko ng bumalik ng hotel at aalis na ako after lunch pabalik ng Manila"

Lumabas na kami ng coffee shop nang biglang may tumawag kay daddy

"Dito ka muna, sagutin ko lang to"sabi niya at lumayo ng konti saken

"Aray ko naman! 'di kase tumitingin sa dinadaanan!"bwiset na sabi ko sa bumangga saken

"Oh I'm so sorry"

"Bat kase nagtetext ka habang naglalakad?!!"sabi ko

"I'm sorry I didn't mean to----"sabi niya at inalis ang shades niya

"IKAW?!?!!"sabay naming sabi

Nostalgic HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon