Chapter 58

19 1 0
                                    

Avery's PoV

"Oh ba't ngayon ka lang?" bungad ni daddy saken

"Nagka yayaan po kase kanina sa school na maglaro ng volleyball kaya ayun po nalate po kami ng uwi" paliwanag ko at inilapag sa sofa yung bag ko

"Ganun ba? Basta sa susunod magtetext ka ha, anyways kumain ka na nagluto ako kanina"

"'di ka po ba kakain?" tanong ko at dumiretso na sa kusina

"Nauna na ko kanina anak eh hehehe nagutom kase ako"

"Uy adobo! Ganun po ba daddy? Sige po kain lang po ako" sabi ko at sinimulan ng lantakan ang adobo at kanin

Wapakels ako sa diet diet na 'yan magwo work out ako pag sinipag na ako HAHAHAHAHA.

Eh ang sarap kumain! Bakit ba

Raine's PoV

Ilang araw na ring walang tawag, chat or text man lang si Avery sakin at maski sa kanila Josh lalo na kay Ash

"Hoooo! Ang daming chika babes tol!"sigaw ni Ash

Nandito kami ngayon sa bar nila Aevhan

Hindi naman yung bar na gaya ng iniisip niyo, like---high class bar 'to and mga may kaya lang talaga ang nakaka afford na makapasok. Hindi allowed ang 17 below dito at buti nalang legal age na kaming lahat at libre na rin dahil sila Aevhan nga ang may ari. Drinks, shots tas mga nagseseksihan at mga pogi ang nandito.

Hiyawan, tugtugan sa dancefloor at pa palit palit na lights. Nandito kami sa isang private room ng bar

First time kong makapasok sa ganito at kaya lang naman kami nandito dahil sa isang taong walang ginawa kundi mag mukmok, mag drama, at mag emote na itago natin sa pangalang Ashton Zhao

"Ano na Ash"sabi ko sakanya na nakaka ilang bote na

"Walang mangyayari sa buhay mo tol kapag puro ka nalang ganyan"sabi pa ni Josh sakanya

"Tsaka, be happy for Avery kase pati siya nahihirapan din, nasasaktan gaya mo pero for sure she's doing good"dagdag pa ni Brianna

"And besides tol, mas mahirap yung pinag dadaanan ni Avery knowing na sabay ang lovelife at family problems niya"

"Wala bro, mahal ko eh"sabi ni Ashton na halata na sa boses ang kalasingan at tinungga pa ang isang shot ng vodka

"Utot mo bro! HAHAHAHA nagkakaganyan ka dahil lang sa isang babae?"

"Hindi siya babae lang. I see her more than your term na babae lang"sagot naman niya kay Aevhan

"Pero trineat mo siya as babae LANG. Sa ginawa mo, you didn't even treat her as your woman, you didn't treat her the way she deserves. Kala ko ba lalake ka tol?  Pinagkatiwala ko sayo yung pinsan ko tapos gagaguhin mo lang?"

"Hindi ko naman sina----"hindi natapos ni Ashton ang sasabihin niya dahil di siya pinatapos ni Josh

Sinusubukan namin silang awatin kase baka kung saan nanaman mapunta ang sagutan na to

"HAHAHA"sarkastikong tawa niya

"'di mo sinasadya na dahil sa kalandian mo, magkapatong kayo ng makati mong ex girlfriend kaya may nangyari sainyo? HAHAHAH sorry din tol ha, 'di ko to sinasadya"

*Bogsh*

''Para 'yan sa pinsan ko. Para 'yan sa pang gagago mo. Magpakalalake ka naman Ashton"sabi ni Josh na kinagalit na rin si Ash kaya sinuntok niya rin si Josh sa mukha

Mas malala ang pagkakasapak kay Ash kase dumudugo na sa bandang labi niya

Ina awat namin sila na tumigil

"Ano ba tama na, palihim na nga 'to tapos mamaya malaman pa ni daddy na nagkakagulo dito!"sigaw ni Aevhan sakanila

"Tama na Joshua, umuwi na tayo"sabi ko sakanya

"Oo dapat lang! I uwi mo na yang pake alamero mong boyfriend!"pahabol pa ni Ash

"Aba! Talagang na nanagad kang hayop ka!"sabi ni Josh at akmang susuntukin nanaman si Ash pero di natuloy dahil nag ring ang cellphone ni Ash

"Hello tita? Talaga po??"

Sure ako si tita Laine nanaman 'yan. At sigurado akong tungkol nanaman to kay Avery

"Po?? Switzerland po?? Okay tita, tawagan nalang po ulit kita"

"Sino 'yon?"patay malisyang tanong ni Brianna

"Si tita Laine, alam na daw niya kung nasaan si Avery"

"Oh tapos?"sabi naman tong Josh na to...Naku naku talaga makukutusan na kita kahit pa na jowa kita

"Nasa Switzerland daw siya"

"Pano naman daw sila nakaka sigurado na nasa Switzerland sila Avery?"pagtatakip ko, syempre kahit na 'di kami okay ni Avery ngayon doon parin ako sa side niya at nangako kami sakanya na 'di namin sasabihin kung nasan siya

"May nakapag sabi daw sakanya na nakita daw sila sa isang mall doon sa Switzerland"

Jusmiyo, anak nga naman ng sikat oo. Paparazzi everywhere hayst

"Tss, Kahit pa alam niyong nasa Switzerland sila, ang lawak lawak ng bansang yan. Ang daming cities, streets saang sulok ng Switzerland mo naman siya hahanapin"sabi naman ni Aevhan sakanya

"Naka enroll daw siya sa Dauntless University doon"

"Oh tapos? Alam mo ba kung saang syudad sa Switzerland yun?"

"May paraan Raine. Maraming paraan. Diba may pinsan ka doon? Baka matulungan niya tayo"

"Ah eh n-nasa Pinas na kase sila eh"

"Ha? Diba ka video call niyo lang nung nakaraan?"

"Kaka uwi lang din nila at sinundo sila nila mommy sa airport kaya mag isa ko sa bahay ngayon"palusot ko

Pero ang totoo, naka business trip sila mommy outside the country

"Ah ganun ba? Okay lang, ako nalang gagawa ng paraan. I'll win her back"

"HAHAHAH goodluck. As if sasama pa sa gago 'yong pinsan ko"

"Oh oh tama na yan,uwi na tayo"sabi ko kay Josh at hinila na siya palabas ng bar

Nung nasa sasakyan na kami, at habang pauwi, tinanong niya 'ko

"Babe, pano na yan alam na nila. Tawagan mo kaya si Avery"sabi niya habang nagda drive

"Ayaw din niyang sagutin mga calls ko tsaka nakablock ako sakanya 'di ko siya mamessage"

"Ako rin eh. Paano na yan? Puntahan kaya natin doon?"

"Aray ko naman!"reklamo niya kase binatukan ko siya

"Bobo ka ba?!! Malapit na finals natin tapos aalis tayo? Mamaya hindi tayo pag graduate in tanga!"

"Eh pano na yan?"

"Si tito Tyler! Oo si tito! Tawagan mo siya!"

"Ha? Eh wala akong number niya"

"Kunin mo phone ko, asa likod yung bag ko"sabi niya saken

* squuuuuueeeeeeeeeeeaaaaakkkkk*

"PUNYEMAS KAAAANG HANIMALES KAAA!SINO NAGSABING IPRENO MO NG BIGLAAN HAAA?!!"sabi ko at pinaghahampas siya

"Eh babe alam kong baliw na baliw ka saken pero ganyan ka na talaga kabaliw? 'pag hindi ako nagpreno mababangga tayo buti nalang at nakapag preno ako kung hindi baka hello heaven na tayo pareho"

May umaatras kase na sasakyan tas 'di ata nakita 'tong kotse kaya ayun nag preno si Josh kase patuloy lang sa pag atras yung sasakyan na yun

"Buset ka!"

Nostalgic HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon